15/07/2021
Copy Paste lang to
Maraming player ng Axie ngayon ang bumili lang dahil nakita nya na nagpost ng limpak limpak na cashout ang friend nya sa facebook. So napatanong sya sa sarili nya na "Ano ba yang Axie na yan?" PANO NAGKAKAPERA DYAN?
Di na ko mag english at ayoko magpanggap na matalino. Saka para maintindihan ng lahat. Ang Axie Infinity ay isang blockchain game. HINDI ITO NADADOWNLOAD SA PLAYSTORE/APPSTORE! May link lang (APK) na pwede mo iinstall para magkaroon ka ng app. Pwede sya laruin sa PC, at android phone. Later this year (2021) Magiging accessible na siya sa iOS.
Ang isang team ay binubuo ng 3 axies na may kanya kanyang skills. Ang axies ay may 8 na class. 1. Aqua 2. Beast 3. Plant 4. Bug 5. Reptile 6. Dusk 7. Mech 8. Bird
In order for you to win, kailangan kabisado mo cards mo at may counter attack ka sa kalaban mo.
Every win = SLP
SO PANO NGA NAGKAKAPERA?
Ang currency used sa Axie Infinity ay tinatawag na SLP (Smooth Love Potion) At ang SLP ay under cryptocurrency. Bawat panalo ay may katumbas na SLP at bawat SLP ay may katumbas na PESO.
AS OF NOW, July 14, 2021 (8:30am) ang SLP ay 16 pesos. So kung may 4,500 SLP ka per month, multiply by 16 pesos ikaw ay may tumataginting na 72,000 pesos.
TOO GOOD TO BE TRUE? No. Totoo po yan.
PERO HERE'S THE REAL DEAL 👇🏻
SLP HAS NO STABLE VALUE. Bawat segundo ay gumagalaw ang candle ng cryptocurrency, bawat segundo nagbabago ang price nito.
BAKIT?
Hindi lang AXIE INFINITY ang gumagamit ng SLP. May tinatawag na "whales" na traders na holder ng large amount of coins na anytime pwede mag "dump" at pwede mag cause ng pullback ng price. For example. Tumataas ang SLP kapag madaming bumibili nito. (Law of demand and supply) Madaming demand, so mataas VALUE. Ginagamit ang SLP for breeding axies, so more breed, more burning of SLP, more demand, HIGHER VALUE. Edi pag wala edi MABABA. Ano lang ba kung babalik sa dos ang palitan eh sanay naman na kami don.
Actually, hindi advisable maghold ng SLP ng sobraaaang tagal. Tulad ng lagi nyo nadidinig Profit is Profit. Pag mataas na, pwede ka na magsell. Ang tendency ng COIN kapag mareach nya ang ATH (all time high) is to have CORRECTION. Bubulusok pababa. Ang kagandahan lang, madami aspiring breeders so tuloy tuloy ang pag-buy sa SLP.
Nasa bullish market pa din ang crypto, hindi pa tayo dumadating sa tagtuyot (bear market) BTC can go as high as 3M nung April, and as low as 1M ngayong July. Volatile po ang market yan ang SURE.
So balik tayo sa AXIE. If you're planning to buy a team, current price is 80k to 100k, please do your own research muna sa mga axies na kukuhanin mo. Di porket pasok sa budget bibilin mo na.. NO. Mahaba pa ang lalakbayin ng AXIE, think long term. Buy a decent team that will make your farming easier in the long run.
LASTLY, sa mga nagsasabing PONZI SCAM ang Axie Infinity, WE DON'T NEED NEW PLAYERS IN ORDER TO GAIN. Kahit tumigil ang pag bili nyo ng axie at huminto ang pag breed ng Axie, hindi titigil ang mundo ng cryptocurrency para sa mga sadboi na tulad nyo. Balik ka sa una ko sinabi. HINDI LANG AXIE PLAYERS ANG HOLDERS NG SLP.
So ayon I hope na explain ko mabuti. Oh ayan may konting kaalaman ka na. You're welcome. Comment nyo kung may kulang. Sawang sawa na ako makabasa ng FUD (fear, uncertainty and doubt) about Axie!