08/03/2020
Matthew 15:18
Mga Kapatid ko Kay Kristo O Magulang na may mga anak. Hindi po tayo nakakasigurado na ang ating anak ay palaging nakakapakinig ng magagandang salita mula sa ibang tao. Maaring sa kanilang mga pinupuntahan ay may mga taong mapanakit magsalita o mapanghusga at ito ay maaring makapagdulot sa kanila ng sakit sa kanilang buhay o maging buhay na nila kung sila man ay napipintasan. Katulad na lamang ng masabihan sila na "bobo o pangit" sabi nga sa Matthew 15:18 ito ay nakakapanghawa sa iba ang mga bagay na ating nasasabi mula sa puso.
Kaya nga po, mahalaga na ang ating anak o ang mga bata na ating kilala ay nakakarinig ng mabubuting salita lalo na't higit mula sa Dios. Upang ang impluwensiya nito sa kanila ay mabuti. Nawa'y wag po tayong manawang dalhin sila sa iglesiya (church) upang sila po ay maimpluwensiya ng mga kautusan na nanggagaling sa Dios.
Nawa'y dalhin natin sila upang maging isang pagpapala sila sa kapwa nila nagsasalita ng mabuti sa kanilang mga kasama. Maging kaparaanan sana tayo upang madala sila sa ating Dios.
God Bless Us!
:18