02/08/2014
Bakit may mga taong patuloy na nahuhulog sa mga katulad na "get-rich-quick scams"? Iyan ay dahil sa Kasakiman.
Ang kasakiman ang bumubulag sa mga tao na 'tumingin' sa kanilang itinuturing na Lider o "Upline" o "CEO"-- na mga nagmamaneho ng mga mamahaling mga sasakyan, bilang kanilang inspirasyon sa pagtatagumpay sa buhay. Hindi ko nilalahat o sinasabing masamang magmaneho ng mamahaling sasakyan o maghangad na yumaman, subalit dapat nating tanggapin ang katotohanan na isa ito sa mga instrumento ng kasakiman na pumipigil sa mga tao na makilala kung ano ang lehitimo at hindi.
Marami na akong narinig at nakitang mga Lider o may-ari ng kumpaniya na sumisigaw ng, "power!", pero ang kanilang ginagawa ay patakbuhin ang kanilang kumpaniya hanggang sa 'malugi'. Subalit hayun sila pagkatapos, sasali o magpapatakbo ng bagong kumpaniya at magpapatakbo ng kanilang magagarang sasakyan; puno ang bulsa ng pera ng kawawang mga inosente. Nakalulungkot, marami pa rin ang patuloy na sumusunod sa kanila at nahuhulog sa mga bitag na inilatag ng kanilang mga itinuturing na 'idolo'.
Kailan kaya matututo ang mga tao? -Ferdinand Allan Bengco CEO of VMobile Technologies Incorporated (OFFICIAL)
Read the full article here:
http://www.gmanetwork.com/news/story/372839/news/nation/investment-scam-operating-via-facebook-dupes-victims-of-about-p100m
A scam operating via popular social networking site Facebook has duped over 100 people of more than P100 million by promising huge returns in their investments in just a couple of months, the National Bureau of Investigation (NBI) said.