29/03/2022
‘NEVER GIVE UP!’ Ito ang pinakamagandang ugali na meron si Jung HoYeon, kahit sya ay nabigo bilang maging Korea’s Next Top Model noong 2014, bumangon sya ulit, ginamit ang mga natutunan ng kanyang pagkabigo , nagsipag at nag tuloy tuloy , mas lalong pinagbuti ang kanyang trabaho, at nag pursigi, hindi naiinip, enenjoy nya lang ang kanyang journey, kaya after 7 years, naibigay sa kanya ang pinakamalaking BREAK sa kanyang career na hindi nya inaasahan, from modeling to acting! Yes! Sya ang gumanap na Kang Sae-beok (most loved character) sa isang action drama serie na SQUID GAME sa NETFLIX na naging No.1 BLOCKBUSTER sa buong mundo hanggang ngayon.
At dahil sa pagkakataon na yun, ang dami ng offer sa kanya , isa na ang LOUIS VUITTON, na kung saan sya ang ginawang GLOBAL BRAND AMBASSADOR!
Kaya sa lahat ng , tularan natin si Jung HoYeon, yung kanyang NEVER GIVE UP attitude, kahit tayo ay mabigo, wag na wag tayong sumuko, bagkus, bumangon lang tayo, pagbutihin pa lalo ang trabaho, sa awa ang Diyos, darating din ang tamang panahon na tayo ay AASENSO!
Keep safe & stay healthy!
Never give up! See y’all at the top! Fighting! 💪🏼☝🏼