20/12/2025
MUST READ FOR EMPLOYEES AND ASPIRING BUSINESS OWNERS‼️
Kapag negosyante ka December ang pinakamagastos na buwan, susundan pa yan ng January na renewal ng mga kung anu-ano sa negosyo. 😅 Sa totoo lang, mix emotions kami sa tuwing magpasko pero kung para naman ito sa mga tao na sinamahan ka buong taon it’s all worth it. hahahaha! 🎄
Madalas, eto yung hindi nakikita ng karamihan kaya minsan nag rereklamo pa sila. Yung all through out the year kailangan mo magtabi ng pera para sa dulo meron kang maibibigay sa mga tao mong deserve naman magkaroon ng extra tuwing pasko🎄
Dati nung empleyado pa ako ito yung nilolook forward na buwan, pag negosyante ka at madami kang pinapasahod ito naman yung nagiging worry mo hehe. Akala ng iba pag negosyante at may million sales eh million na din ang kita, pero ang totoo sa million na puhunan magkano lang ang kita. ☺️ Pinapaikot lang kaya lumalago, worst case scenario yung break even just to make the business going.
Kaya kung may negosyante kang kilala, kamustahin mo din at sanay sinusuportahan hindi yung tuwing pasko ka lang nakikita at nagpaparamdam. Malaking bagay na samin yung alam naming meron nakasuporta. 🥹 At sa mga empleyado, being there na may malasakit sa kumpanya naaappreciate namin yun. Salamat! 🤝💪
Christmas is the season of giving pero ang bills di talaga tumitigil. Kailangan prepared ka lagi sa next chapter. But God is good all the time, lahat talaga pinoprovide nya. 🙏
PS: Wala pa dito yung mga solicitation ng different department ng government 😅🫢😂
Merry Christmas sa ating lahat🎄