02/04/2022
READ THIS. Worth it to promise.
Wag mong hayaang “Gusto mo lang”.
Gawan mo ng paraan. 👊🏼
Gusto mo magstart ng business pero wala pang puhunan? Okay lang yan!! Turuan kita.
Halimbawa:
P2500 ang puhunan. Kung igo-goal mo na magkaroon ng 2,500. I-breakdown mo. Wag mong tingnan agad yung total.
Kung mag-iipon ako ng 2,500 pwede kong gawing timeline is isang buwan. Kailangan ko lang ng:
2,500 / 30 days = 83.33 pesos lang per day.
2,500 / 60 days = 41.66 lang ang dapat mong itabi per day kung 2 months naman ang plano mo.
Ito lang yan, kaibigan, madaming tao ang nagfe-fail mag plano. Tinatamad mag-isip ng paraan.
Pero kung titingnan mo, kaya naman diba? Kaya naman gawaan ng paraan?
Kung para sa pangarap naman diba, bakit di mo gawin? Bakit di ka magplano? Bakit kinakatamaran mo? Bakit lagi mong sinasabi, “wala pang pera sa ngayon, wala pang puhunan.”
Instead of that kind of thinking, try this..
“Okay sige. Pag iipunan ko this month, gagawan at pipilitin ko magkaroon ng paraan”
Kaya ako, naniniwala ako na kaya naman talaga. Kailangan lang magplano tapos aksyonan. ☺️