29/05/2026
Hindi naman kailangang mahal ang insurance. Ang mahalaga, naiintindihan mo kung para saan ito.
β
Term Insurance
Parang nagre-rent ka ng protection.
Covered ka for a specific period (1, 5, 10 years, etc.) kapalit ng mababang premium. Kapag natapos ang term at hindi ka nag-claim, walang cash value na makukuha.
β
Whole Life Insurance
Lifetime protection.
Habang tuloy-tuloy ang pagbabayad mo ayon sa plan, insured ka hanggang senior years. May guaranteed cash value rin na unti-unting lumalaki over time.
β
VUL (Variable Universal Life)
Insurance + investment.
May bahagi ng binabayad mo para sa insurance protection at may bahagi na ini-invest sa funds na maaaring lumago o bumaba depende sa market performance.
Walang "best" na insurance para sa lahat.
Ang tamang insurance ay yung akma sa goals, budget, at stage ng buhay mo.
Mas mahalaga ang may protection kaysa sa wala.