03/04/2026
MAKASAYSAYANG KASUNDUAN ,NILAGDAAN SA COTABATO CITY: PINALALAKAS ANG UGNAYANG PANG-EKONOMIYA NG BARMM AT JAPAN
COTABATO CITY |: Isang makasaysayang hakbang sa pagpapaunlad ng ekonomiya sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang naganap ngayong umaga, Abril 3, 2026, matapos lagdaan ang isang mahalagang kasunduan sa Alnor Hotel and Convention Center
Pinangunahan ng Sato Investment SPC at Tokushima Auction Market Corporation ang kasunduan, katuwang ang anim na kooperatiba at korporasyon mula sa Bangsamoro Region na layong palakasin ang sektor ng enerhiya, natural gas at crude oil refinery, agrikultura, aquaculture, logistics, regional medi-care center, Data Link Satelite Services at artificial intellegence data server at pamumuhunan sa rehiyon.
Kabilang sa mga lumagda sa kasunduan ang Damalibi Multi-Purpose Cooperative layunin mapalakas ang industriya mula sa likas na yamang dagat sa pamamgitan ng modernong pangingisda.
Alnor Prime Properties Corporation, layunin nito na masolusyonan ang krisis sa enerhiya sa boung rehiyon ng Bangsamoro,
Minsupala Energy and Mineral Resources Dev't. Corp. kasosyo nito ang Sato Investment SPC at inaasahan ang mga malalaking Kompanya galing ng Estados Unidos na maging kasosyo o kasama sa pag galugarin ang langis o fossil fuel na nakatago sa Sulu, Sitangkai at Cotabato Basin ang gayun din ang pagkasosyo sa planta ng langis sa Bangsamoro region.
Illana Bay Shoreline Industrial Development Corporation na layunin nitong magtatag ng Oil Terminal at Petroleum sa Lanao Del Sur.
Unayan Abaca Industries Corporation, layunin nito na mapalakas ang agrikultura sa pamamagitan ng pag aalaga ng Wagyu (Baka) at mga tanim na maging sangkap sa pagpapataba ng mga alagang Baka.
Abubak're Sidduiqe Economic Development Corporation, layunin nitong magtatag Special Economic Zone sa Bayan ng Barira, MDN na mapalago ang industriya ng Sucarab (Kimchi) at ibang pang mga tanim na angkop sa pangangailangan ng bansang Japan.
Greenphil Aquaculture and Hydroponics Holding Inc. ay Consortium ng Damalibi MPC at Tokushima Auction Market Corp.
Damatulan Agricultural Resources Inc., ang siyang katuwang sa pagtatayo ng Bangsamoro International Logistic and Air Cargo Runway Hub. at Rump Farming ng bagong tatag na Special Geographic Area.