01/06/2026
Tumulong ka nga, Nanunumbat ka naman.
Minsan,
kaya ayaw na ng ibang tao
humingi ng tulong…
dahil sa takot
na masumbatan.
Yung tipong tutulungan ka ngayon,
pero kada may away,
ibabalik lahat sayo.
“Tinulungan kita dati ah.”
“Kung hindi dahil sakin…”
“Wala ka naman kung hindi dahil sakin.”
Masakit yun lalo na
kung genuine naman yung
pagtanggap mo ng tulong.
Dahil ang totoo,
hindi lahat ng tulong
nakakapagpagaan
ng pakiramdam.
May tulong na may
kasamang utang na loob
na parang habang
buhay mong babayaran.
Kaya minsan,
may mga taong tahimik
nalang lumalaban mag isa.
Pagod na pagod na sila.
Pero ayaw na nilang makarinig
ng mga panumbat.
Alam mo,
natutunan ko rin to
habang tumatanda.
Kapag tutulong ka,
tumulong ka nang
bukal sa puso mo.
Hindi para may
maipamukha ka balang araw.
Hindi para may
kontrol ka sa tao.
Hindi para may kapalit.
Kasi yung totoong tulong,
nagbibigay ng gaan.
Hindi bigat.
At kung ikaw naman
yung natulungan,
okay lang maging
thankful.
Okay lang mag appreciate.
Pero wag mong hayaan
na mawala yung dignity mo
dahil lang may tumulong sayo.
Lahat tayo
may season
na nangangailangan
ng tulong.
At lahat din tayo
may pagkakataon
tumulong sa iba.
Sana pag dumating
yung araw na yun,
hindi sakit yung
maaalala nila.
Kundi gaan ng loob.