01/02/2025
Minsan, may mga bagay na hindi mo na maibabalik sa dati. Halimbawa yung mga bagay na basag na, putol na or di kaya nadurog na. At sa unang tingin, parang mga wala nang silbi.
Pero alam mo ba na sa Japan, may art na tinatawag na Kintsugi? Ano ba ang Kintsugi? Sabi ni google ang Kintsugi, which means “join with gold” is the Japanese art of repairing broken objects, often ceramic pottery or glass. Traditionally, gold lacquer is used to piece shards together again, creating a more beautiful object through the acts of breaking and repair.
Sa art form na ito hindi tinatago ang lamat. Hindi ikinakahiyang may punit o bitak. Sa halip, ginagawa itong bahagi ng kwento
Ganon din sa buhay. May mga sugat na iniwasan mong makita. May mga peklat na pilit mong tinatakpan. Pero bakit mo kailangang itago kung ito mismo ang nagpapatunay na bumangon ka? Na kahit nagkalamat ka, hindi ka bumigay.
Your brokenness is not something na dapat mo ikahiya, because this is a proof that you fought, that you tried, that despite all the circumstances you chose to act and move forward.
Dulo, tandaan mo na kaya ka siguro binasag ng buhay para mas tumibay ka, para yung kwento ng buhay mo ay hindi kopya ng buhay ng iba kung hindi para maging isang work of art that is truly and uniquely you.
We are all broken at some point in time. Hindi mo dapat ito ikahiya, sabi nga be proud of your battle scars.
It's a proof that you chose to truly live than simply born and die one day without truly living ;)