23/07/2026
Repair Tips
Para sa mga nagdi DIY
Mga ka repair kung kayo po gagawa ng
Sarili nyong gamit gaya ng Electric fan
Dapat siguraduhin Tama Ang inyong gagawin
Kagaya ng tamang paglalagay ng thermal fuse
Ang thermal fuse ay karaniwang gamit sa Electric fan, dahil Ang thermal fuse ay Malaki
Ang naitutulong para sa ating appliances.
Gaya ng Electric fan, dahil karamihan sa atin Ngayon ay para makatipid ay nagdi DIY.
Ang ibig Sabihin ay Do It Yourself, o yung sila na lng gagawa imbis na dalhin sa mga pagawaan, para di na gumastos at para makatipid na rin...
Pero dapat Bago ito gawin ay siguraduhin
Na safe at ligtas Tayo para sa ating gagawin
Dahil pwedeng pagmulan ito ng sunog o short circuit kapag Hindi Tama Ang ating gagawin.
Dapat tamang thermal fuse lang Ang ilalagay
Tulad ng dati na nakalagay dto
Na kadalasan ay 2 ampere , sa iba kasi na nagawa Kong electric fan ay nirekta ng customer dhil Wala daw mabilhan na thermal fuse.
Ngunit malaking pagkakamali na pwedeng pagmulan ng sunog sa ating tahanan
Kaya itoy nararapat na lagyan ng thermal fuse
Dahil Malaki ang naitutulong nito
1.Tulad ng kpag naover use Ang Ang Electric fan pwedeng bumigay ito at maputol kagad Ang supply ng kuryente.
2. Kapag na stock up Ang inyong electric fan dhil sa maganit umikot Ang shafting dhil sa dumi o grasang tumigas dahil sa sobrang init.
3. Dahil sa nastock up dhil maluwag ng sobra Ang bushing na dapat ng palitan pati ng shafting nito..
Ilan lang sa mga tips na ito ay maaaring makatulong sa bawat Isang gustong mag DIY
Pero hanggat maaari ay kumunsulta kayo sa eksperto o sa pinaka malapit na Mang gagawa sa Inyo o Technician para maiwasan Ang pagka pahamak o pagkasira ng tuluyan Ang
Inyong kagamitan.... 😊🙏❤️