The Raket Blueprint

The Raket Blueprint Raket pero may sistema. Helping beginners and small businesses automate, sell, and grow online.

01/01/2026

Mga ka-Raketers!

Ano ang pwede mong abangan dito?

Hindi ito page na araw-araw magh-hype.
Hindi rin ’to puro “kaya mo ’yan” tapos wala namang kasunod.

Sa mga susunod na araw:
– Maikling posts na pang-gising
– Real talk tungkol sa raket, pera, trabaho, at buhay
– Walang filter, walang pa-impress

Sa mga susunod na linggo:
– Practical ideas na pwede mong gawin kahit busy ka
– Mga simpleng sistema para hindi ka laging pagod
– Mga tanong na minsan kailangan mong harapin, hindi iwasan

Sa mga susunod na buwan:
– Mas malinaw na direksyon sa pagraraket at pagbuo ng kita
– Kwento ng proseso, hindi lang resulta
– Mga leksyon na galing sa totoong buhay, hindi sa seminar

Sa mga susunod na taon (kung magsasama pa tayo):
– Isang tahimik na komunidad ng mga taong gumagalaw
– Hindi perpekto, pero consistent
– Hindi maingay, pero may pinupuntahan

Kung naghahanap ka ng mabilisang yaman,
baka hindi ’to para sa’yo.

Pero kung gusto mo ng totoong galaw, malinaw na isip, at pangmatagalang direksyon —
stay ka lang.

Tahimik lang tayo dito.
Pero tuloy-tuloy.

— The Raket Blueprint

01/01/2026

Eto na yun mga ka-Raketers!

2026 NA.
Anong raket mo? O “balak pa lang”?

Real talk:
Hindi ka tinatamad.
Wala ka lang kasiguraduhan kaya di ka gumagalaw.

Eto lang ha — tatlong paraan kumita na hindi kailangan ng diploma, swerte, o approval ng buong angkan.

1️⃣ Raket na kaya mong gawin NGAYON
Hindi yung pangarap mo.
Yung kaya mo na kahit sablay-sablay pa.

Maglinis, maggupit, mag-edit, magbantay, magbenta, mag-deliver, mag-assist.
Basta may problema → ikaw ang solusyon.

Hindi mo kailangan maging magaling.
Kailangan ka lang maaasahan.

Yan ang tunay na puhunan.

2️⃣ Kwento mo, gawing puhunan
Hindi ka influencer.
Okay lang.
Hindi rin naman perfect buhay mo.

Pero may pinagdadaanan ka.
May natutunan ka.
May kwento kang makakarelate ang kapwa mo pagod.

I-post mo.
Walang arte.
Walang pa-aesthetic.

Hindi agad kita.
Pero habang tumatagal,
ikaw na yung tinatanungan, hindi na nagmamakaawa ng benta.

3️⃣ Tinda na may saysay
Hindi lahat ng binebenta mo kailangan unique.
Kailangan lang malinaw kung para kanino.

Hindi ka lugi kasi mahal ka.
Lugi ka kasi wala kang direksyon.

Kung pare-pareho kayo ng tinda,
ang binibili ng tao ay yung may tiwala, hindi yung may pinakamurang presyo.

Payo ng walang filter:
Walang aangat sa kakahintay ng lakas ng loob.
Darating lang ’yan pag gumalaw ka na.

2026 na.
Kung pareho pa rin ginagawa mo,
pareho rin lalabasan.

Galaw-galaw din pag may time. 😌

— The Raket Blueprint

Huy! This it! Alam mo yung tahimik ka lang…pero inside, parang may sariling life crisis marathon?Yun yung nangyari sa’ki...
23/11/2025

Huy! This it!

Alam mo yung tahimik ka lang…
pero inside, parang may sariling life crisis marathon?
Yun yung nangyari sa’kin nitong mga buwan.
Hindi ako nawala — napagod lang ako maging “strong independent raketera” sa public. 🤣

May mga araw na ang productive ko…
tapos may mga araw na ang achievement ko lang ay huminga.
(And honestly? Proud na rin ako do’n.)

Pero habang nagra-rant ako sa sarili ko,
may isang bagay akong napansin:
kahit pagod ako, gusto ko pa rin tumulong sa kapwa raketeros.
Kahit lost ako minsan, may mga ideas pa rin akong nagpa-pop-out bigla,
yung tipong:
“Uy… kailangan pala ‘to ng mga tao…”
“Bakit walang gumagawa nito?”
“Eh kung ako na lang?”

Hanggang sa nagulat na lang ako…
nakabuo pala ako ng something simple pero sobrang makakatulong
sa students, freelancers, online sellers, at lahat ng tao na
nagpapakapagod para sa pangarap
pero nauubusan ng bandwidth sa utak. 😅

Hindi ko muna ilalabas ngayon.
Hindi pa time.
Pero gusto kong malaman mo:
I’m back… slowly pero surely.
And my next posts?
Sana makatulong sila sa’yo the way they helped me to continue this.

Kung gusto mong mauna,
follow mo na ‘tong page —
pero no pressure…
ganun din naman ako minsan. 🤣💛









18/08/2025

Welcome to The Raket Blueprint!

Dito, gagawin nating simple ang komplikado — mula raket hanggang small business, tutulungan kitang makabuo ng sistema para mas mabilis kang maka-level up.

Kung ready ka nang gawing sustainable ang diskarte mo, this is the place for you.

👉 Follow this page, and let’s build your blueprint together!

18/08/2025

Hindi ko alam kung saan aabot ‘to. Pero alam ko, kailangan kong simulan.

Kasi kung hindi ngayon, kailan pa?

Ito ang The Raket Blueprint.
Simula ng isang bagong kwento — para sa ating lahat.

Address

Blk 27 Lt 16 B
Dasmariñas
4114

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Raket Blueprint posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share