The Time Galllery

The Time Galllery Luke 31-1
Living in faith, walking in grace

🔥 MULING PAGLIYAB NG APOY NG PANANAMPALATAYA 🔥May mga panahon na tila nanghihina ang ating pananampalataya dahil sa mga ...
06/06/2026

🔥 MULING PAGLIYAB NG APOY NG PANANAMPALATAYA 🔥

May mga panahon na tila nanghihina ang ating pananampalataya dahil sa mga pagsubok, pagkakamali, at bigat ng buhay. Ngunit tandaan natin na ang apoy na inilagay ng Diyos sa ating puso ay hindi madaling mamatay.

"Nanghina man ang aking pananampalataya, hindi namatay ang apoy. Sa biyaya ng Diyos, muli itong nagliyab."

Kapag tayo'y lumalapit sa Kanya sa panalangin, nagbabasa ng Kanyang Salita, at nagtitiwala sa Kanyang pangako, muli Niyang pinasisigla ang ating espiritu at pinagniningas ang ating pananampalataya.

📖 2 Timoteo 1:6 "Kaya nga ipinaaalala ko sa iyo na muling pasiglahin ang kaloob ng Diyos na nasa iyo."
🔥 Huwag hayaang manatiling abo ang iyong pananampalataya. Hayaan mong ang Diyos ang muling magsindi ng apoy sa iyong puso.

Hebreo 8:12Sapagkat patatawarin ko sila sa kanilang mga kasalanan, at kalilimutan ko na ang kanilang mga kasamaan.HINDI ...
14/05/2026

Hebreo 8:12
Sapagkat patatawarin ko sila sa kanilang mga kasalanan, at kalilimutan ko na ang kanilang mga kasamaan.

HINDI MADALING KALIMUTAN, PERO KAILANGAN KALIMUTAN.
Ito ang dapat gawin natin sa KASALANAN.

Isipin mo ito kapatid, kung Ang Diyos nga Kayang Kalimutan ang Kasamaan mo at Kayang patawarin ang Kasalanan mo. Bakit hindi mo ito gawin sa Sarili mo?

Ito kasi ang Tanging Paraan para makalaya ang isang tao sa pagka-alipin sa Kasalanan, at maalis na ang kasamaan sa Buhay ng tao.

Isa Sa reason bakit hirap akong Makalaya noon, at bakit hirap akong Ma-Encounter ang Lord kasi nga Ayaw ko parin kalimutan ang Nakaraan ko, nandoon iyong iniisip ko parin iyong mga mali kong nagawa, naguguilty ako, Baka hindi ko mapanindigan iyong pagbabago, alam mo iyong gusto kong magbago pero ayaw ko. Sa Puso ko gusto ko, pero ang Isip ko may bumubulong na huwag mong kalimutan ang nakaraan, Imposibleng magbago pa ako.

Ganoon ako Kaharsh sarili ko, at ganoon ka mali ang Mindset ko.
Doon ko nakita, na Gusto ko nga magbago pero iyong pagbabagong gusto ko, sariling lakas pala ang Nais kong Gamitin. Parang magbabago ako By Works Hindi By Grace iyan ang Nais ko dati, Pero UNAWARE ako.

Hindi mo makakalimutan ang Kasalanan kung hindi mo tatanggapin si Cristo sa Buhay mo.

Kasi si Cristo na tinanggap natin ang tutulong sa atin para makalimutan ang Kasalanan, Dahil siya ang tagapagligtas na kinalimutan at pinatawad ang ating mga kasalanan.

"SARILI KO" iyan ang Huling Pinatawad ko, bago ko naencounter ang Diyos..

Sinabi ko na Lord
"Pinapatawad ko na ang Sarili ko".
"Hindi ko alam paano ako magbabago, Hindi ko kayang baguhin ang Sarili ko, Guilty ako sa lahat ng kasalanan, Kaya Suko na ako, Ikaw na po ang bahala sa akin, magtitiwala ako sa gagawin mo"
At Doon ko nga nAranasan ang Pagbabago".

Kaya totoo na BY GOD'S GRACE tayo nagbago Hindi BY OUR GOOD WORKS.

Mga Taga-Efeso 2:8-9
[8]Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ang kaligtasang ito'y kaloob ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng inyong sarili;
[9]hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang dapat ipagmalaki ang sinuman.

Paano mo malalaman na hindi mo pa naiintindihan ang GRACE ng Lord,
Ito ay kapag NAGFAIL ka tapos after you fail or you commit Sim, nawawalan ka na ng Gana magserve sa Lord. Ibig sabihin you are Trying your Best to earn your Salvation.

Hindi ka sumusunod para maligtas ka, Naligtas ka na dahil sa pakikipag-isa mo kay Cristo kaya ang Bunga nito Sumusunod kana.

Naligtas ka na, Kaya kahit ilang beses kang nadadapa, Sumusunod ka parin.

Naligtas ka na, Kaya kahit ilang beses kang magkasala nagiging tapat ka parin at ayaw mong tumalikod sa Diyos.

Kapatid,
Kailangan mo talagang kalimutan ang kasalanang nagawa mo, kasi Hindi pwedeng Si Lord ang nasa isip mo tapos, Kasalanan din ang nasa isip mo.

Isa lang dapat ang naghahari sa Isip natin at kapag Si Lord iyon, Doon maaalis ang Kasalanan sa isip natin pati ang mga kasalanang nagawa natin nakaraan.

1 Mga Taga-Corinto 13:10
[10]ngunit pagdating ng ganap, mawawala na ang di-ganap.

Kaya Kapatid, Kalimutan mo na!
Para makalimutan mo, Tanggapin mo na Kinalimutan na ito ni Cristo, Humingi ka ng Tawad sa Diyos at Papatawarin ka niya.
Kapag ginawa mo ito Siguradong hindi ka babalik sa Dating buhay mo at makakapagpatuloy ka sa iyong journey bilang isang Cristiano.

God bless kapatid.

Hindi porket maraming alam na bible verse ay "God's will" na...BAGO ka magcrave ng HEALTHY relationship ng future wife m...
08/05/2026

Hindi porket maraming alam na bible verse ay "God's will" na...
BAGO ka magcrave ng HEALTHY relationship ng future wife mo,
gawin mo munang HEALTHY ang relationship niyo ni JESUS. 🤍🔥

Dear woman of God
wag kayo magpadala sa mga pakilig na "Bible Verse"
hindi porket may alam na bible verse ay "God's will" na,
memorize lang yung "John 3:16" kinilig kana,
hindi mo pala alam paglabas ng church umiinom kasama ang barkada tsk tsk.
hindi rin dahil "POGI" God's will na,
hindi na bunga ng panalangin, bunga na ng pagtingin.

Dear Men,
God called us to lead,
paano tayo maglelead kung tayo mismo naliligaw,
kung tayo mismo hindi alam kung san pupunta,
kaya Jesus muna, Jesus palagi
start reading your bible and excel on God's ministries.
if you're really praying for that "Proverbs 31" gawin mo munang "Isaac" ang sarili mo, kasi -

It's not about the "Answered prayer"
but you being the "Answered prayer" first.

It's not about "Who"
but it's about "You"

Make yourself the right person first,
puro tayo Isaiah 60:22

pero nakakalimutan natin ang Psalm 37:4, na ang sabi
"Delight yourself in the Lord,
and he will give you the desires of your heart".

Are we pleasing God?
kung hindi natin napleplease si God na single palang tayo,
how much more kung in relationship na tayo!

gigil niyo ako e, jk lang

I remember what Pastora Jamey Santiago said
"Kadalasan sa nagmamadali, ay nagkakamali"

Take your time
Jesus muna, Jesus palagi

Enjoy your single season to the fullest kasi isang beses mo lang yan pagdadaanan.
Kaya I pray, sa mundong nagmamadali, ikaw yung maghihintay at manalangin for your "God's will".

marami pa sana akong sabihin pero ito nalangmuna,
you can share your take aways on the comment section below!

God Bless everyone 🤍🌻

BUTI PA SILANarinig mo na ba ‘yan?Yung bulong sa isip mo habang nakatingin ka sa iba…“Buti pa sila…”Buti pa sila, may ba...
08/05/2026

BUTI PA SILA

Narinig mo na ba ‘yan?

Yung bulong sa isip mo habang nakatingin ka sa iba…

“Buti pa sila…”

Buti pa sila, may bagong sapatos.
Buti pa sila, may magandang trabaho.
Buti pa sila, masaya sa relasyon nila.
Buti pa sila, buo ang pamilya.
Buti pa sila… parang laging panalo sa laban ng buhay.

Pero ikaw…
nandito, tahimik, nag-iisip, minsan naguguluhan, minsan pagod.

At hindi mo napapansin…
unti-unti ka nang nauubos kakatingin sa wala ka,
imbes na makita ang meron ka.

Pero sabi ng Salita ng Diyos:

“I have learned to be content whatever the circumstances.” – Philippians 4:11

Hindi sinabi na perpekto ang buhay.
Sinabi lang: matutong maging kontento.

Kasi ang tunay na kapayapaan,
hindi nakabase sa kung anong hawak mo,
kundi kung sino ang humahawak sa’yo.

Kaya nga sabi rin:

“Give thanks in all circumstances; for this is God’s will for you.” – 1 Thessalonians 5:18

Hindi lang sa maganda.
Hindi lang sa sagana.
Kundi kahit sa proseso, kahit sa kulang, kahit sa hindi mo pa maintindihan.

Kasi ang problema minsan hindi kawalan ng blessing…
kundi kawalan ng pagpapasalamat.

Yung “buti pa sila” mo,
madalas nakakabulag sa “buti pa ako” na totoo sa buhay mo.

Buti pa ako… buhay pa.
Buti pa ako… may lakas pa bumangon.
Buti pa ako… may pag-asa pa.

Sabi ng Panginoon:

“I will never leave you nor forsake you.” – Hebrews 13:5

Ibig sabihin, kahit wala ka pa sa “level” ng iba,
hindi ka iniwan ng Diyos sa level mo ngayon.

At kung ang Diyos ang kasama mo,
hindi ka talaga kulang.

Sabi rin sa Psalm:

“The Lord is my shepherd; I lack nothing.” – Psalm 23:1

Hindi sinabi na “I have everything I want,”
kundi “I lack nothing”—
dahil ang presensya ng Diyos mismo ang sapat.

Kaya bakit ka pa magpapakain sa inggit?
Bakit ka pa magpapakulong sa comparison?

Sabi pa ng Biblia:

“Seek first His kingdom and His righteousness, and all these things will be given to you as well.” – Matthew 6:33

Hindi unahin ang buhay ng iba.
Hindi unahin ang inggit.
Kundi unahin Siya.

Kaya sa susunod na pumasok sa isip mo ang:

“Buti pa sila…”

Sagot mo sa sarili mo:

“Buti pa rin ako… kasi may Diyos akong hindi naubusan kahit minsan akong manghina.”

Hindi ka late.
Hindi ka talo.
Hindi ka iniwan.

Pinapanday ka lang.
Binubuo ka lang.
Hinuhubog ka lang.

At darating ang araw…
ikaw naman ang magsasabi:

“Akala ko kulang ako noon…
pero sapat pala ang Diyos.

Hindi Lahat ng Hirap ay Parusa, Minsan Process ni God.Hindi lahat ng hirap na nararanasan natin ay parusa. Minsan, akala...
08/05/2026

Hindi Lahat ng Hirap ay Parusa, Minsan Process ni God.

Hindi lahat ng hirap na nararanasan natin ay parusa. Minsan, akala natin kapag nahihirapan tayo, may mali tayong nagawa or pinaparusahan tayo ni God. Pero the truth is, may mga moments na yung hirap ay part ng process at paraan para ma-shape tayo, palakasin, at ihanda sa mas malaking plano Niya.

Sa life, hindi talaga maiiwasan ang trials. May mga araw na parang sobrang bigat ng lahat, emotionally, mentally, at even spiritually.
Pero tandaan mo, hindi ka pinapabayaan ni God in the middle of your struggles.

Sabi nga sa James 1:2-3,

“Consider it pure joy, whenever you face trials of many kinds, because you know that the testing of your faith produces perseverance.”

Ibig sabihin, yung trials hindi para sirain ka, kundi para patibayin ka.

Minsan, ginagamit ni God yung mga difficult situations para turuan tayo ng mga bagay na hindi natin matututunan kapag comfortable tayo. Doon tayo natutong magtiwala, doon lumalalim yung faith natin, at doon natin mas nararamdaman yung presence Niya. Parang ginto na dumadaan sa apoy para maging pure, ganun din tayo. Hindi para masunog, kundi para maging stronger at mas refined.

If nahihirapan ka ngayon, gusto kong ipaalala sa’yo: hindi ibig sabihin nito na iniwan ka ni God. In fact, baka mas malapit pa Siya sa’yo ngayon kaysa dati.

Sabi sa Psalm 34:18,
“The Lord is close to the brokenhearted and saves those who are crushed in spirit.”

Sa bawat luha mo, sa bawat silent battle mo, nandiyan Siya nakikinig, umaalalay, at hindi ka hinahayaang tuluyang bumagsak.

Hindi lahat ng hirap ay parusa.

Minsan, it’s redirection.
Minsan, protection.
Minsan, preparation.

May mga bagay na hindi natin maintindihan ngayon, pero one day, marerealize mo na may reason ang lahat. Na yung mga panahong akala mo tapos ka na, yun pala yung simula ng mas magandang plano ni God sa buhay mo.

Kaya kung pagod ka na, pahinga ka but don’t give up. Kung naiiyak ka na, ilabas mo lang, okay lang ‘yan. Pero huwag mong kalimutan na may God kang kakapitan. Hindi Niya sinabi na magiging madali ang lahat, pero nangako Siya na sasamahan ka Niya hanggang dulo.

Sa Romans 8:28, sinasabi,

“And we know that in all things God works for the good of those who love Him.”

LAHAT kasama ang hirap, pain, at struggles ay kayang gamitin ni God para sa ikabubuti mo.

Kaya kapit lang. Hindi ka pinaparusahan, hinuhubog ka. Hindi ka tinatalikuran, inaakay ka. At hindi ka nag-iisa at kasama mo si God sa bawat step ng journey mo. 🙏✨

24/01/2026

Address

Dasmariñas

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Time Galllery posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share