25/01/2026
The reality of Public Health. Bakit kasi di pa palitan yang Secretary of Health. wala6namang kabutihang nagawa. pahirap lalo sa mahihhirap yang si Herbosa!
ISANG INA, HINDI NAITAGO ANG G@LIT
Matinding sama ng loob ang naramdaman ng isang ina matapos silang masigawan at masungitan sa isang pampublikong ospital, at lalo pang nadurog ang kanyang puso nang ang 6-taong gulang niyang anak ang napagbuntungan ng g@lit ng mga health worker.
Ayon kay Trisha Mae Rejano, dinala niya ang anak sa Rizal Medical Center upang magpatingin at magpakuha ng dugo. Subalit imbes na maayos na serbisyo at pag-unawa ang natanggap nila, pambab@stos umano at pangmamaliit ang dinanas nila mula mismo sa ilang doktor at nurse.
“Normal lang po na umiiyak at pumipiglas ang bata dahil natat@kot siya. Pero imbes na unawain, sinigawan pa at pinagalitan. Ang sagot pa sa akin: ‘Pasalamat nga kayo ginagamot pa kayo e. Kasalanan mo, dinala mo sa public.’” ani Rejano.
Dagdag pa niya, tinanggihan pa umano ng doktor ang kanyang anak at sinabing:
“’Di ko yan gagamutin, bahala kayo. Huwag mo akong tatawaging ate, doctor ako, doctor!”
Maging ang isang nurse ay nakisawsaw pa:
“Ilang taon na yan? 6 years old? Eh 6 years old na pala, yung ibang bata nga napapagsabihan, arte lang yan.”
Lubos na nadismaya ang ina kaya’t nagpasya na lamang siyang umuwi at sa pribadong ospital magpatingin, kahit alam niyang mas magastos.
“Buti na lang pagdating namin sa Ace Hospital sa Pateros, agad siyang inasikaso. Maayos ang trato kahit alam naming mas mahal. Doon ko na-realize: wala silang karapatang sigawan o sumbatan ang pasyente, lalo na ang bata.”
💔
Ang nangyaring ito ay muling nagpapakita ng malaking hamon sa sistema ng pampublikong kalusugan sa bansa. Totoong maraming pasyente at limitado ang resources, pero hindi dapat mawala ang malasakit at respeto sa bawat tao—lalo na sa mga bata.
👉 Ang isang ina’y nagpunta sa ospital para humingi ng lunas, hindi para makaranas ng pangmamaliit.
👉 Ang bawat pasyente ay may karapatang igalang, mayaman man o mahirap.
📌 Sa mga health worker: Ang pagiging doktor o nurse ay hindi lang trabaho, kundi isang tungkulin ng malasakit at pag-unawa.
📌 Sa mga pasyente: Huwag matakot ipaglaban ang inyong karapatan sa tamang pagtrato at serbisyong medikal.