09/07/2025
Isang kwento punung-puno ng aral, halika basahin natin!
Ang isang matandang lalaki ay nagkukwento tungkol sa kanyang mga nais sa buhay, sabi niya:
رجل كبير في السن يتحدث عن أمنياته في الحياة فقال :
Nais kong mag-asawa, at talagang nakapag-asawa ako, ngunit hindi maganda ang buhay (may asawa) nang walang mga anak!
تمنيت أن أتزوج ، و فعلاً تزوجت ، ولكن الحياة ليست جميلة بلا أوﻻد !
Kaya ninais kong mabiyayaan ng mga kaanak, at talagang biniyayaan ako ng mga anak, ngunit hindi nagtagal ay nagsawa (napagod) ako sa mga dingding ng bahay (na aking nakikita)!
فتمنيت أن أرزق بالأولاد ، وفعلاً رزقت بالأولاد ، ولكنني ما لبثت إلا وقد سئمت من جدران البيت !
Kaya ninais kong magkaroon ng magandang bahay na may hardin, at sa katunayan, pagkatapos ng maraming problema at pagsisikap, nagkaroon ako ng magandang bahay at hardin, ngunit ang mga bata ay lumaki na sila!
فتمنيت أن أمتلك منزلاً جميلاً به حديقة ، وفعلاً وبعد عناءٍ وجهد امتلكت المنزل والحديقة ، ولكن اﻷوﻻد كبروا !
Kaya ninais ko paasawahin ang aking mga anak, at sa katunayan, nakapag-asawa sila, ngunit pagod na ako sa trabaho at sa hirap at unti unti na sila lumayo sa akin!
فتمنيت أن أزوج أولادي ، وفعلاً تزوجوا ، لكنني سئمت من العمل ومن مشاقة وأصبح يتعبني !
Kaya ninais kong magretiro nalang upang magpahinga, at talagang nagretiro ako, at ako ay naging ganap na nag-iisa, tulad noong araw ako ay nagtapos sa aking pag-aaral!
فتمنيت أن أتقاعد لأرتاح ، وفعلاً تقاعدت ، وأصبحت وحيداً كما كنت بعد تخرجي تماماً !
Ngunit noong pagkatapos kong mag-aral, ako ay patungo sa kinakaharap na buhay, samantala ngayon ay iniisip ko ang patungkol sa buhay!
لكن بعد تخرجي كنت مقبلاً على الحياة ، أما الآن فأنا مدبرٌ عن الحياة !
Ngunit ganon pa man nananatili pa rin akong nangangarap..
ولكن لا زالت لدي أماني ..
Kaya’t ninais kong isaulo ang Qur’an, ngunit nabigo ako sa aking memorya!
فتمنيت أن أحفظ القرآن .. لكن ذاكرتي خانتني !
Kaya ninais kong mag-ayuno para sa Allâh... Ngunit hindi na kinaya ng aking kalusugan!
فتمنيت أن أصوم لله .. لكن صحتي لم تسعفني !
Kaya ninais kong magtahajjuj sa gabi, ngunit ang akong mga paa ay hindi na kayang akong dalhin.
فتمنيت أن أقوم الليل .. لكن قدماي لم تعد تقوى على حملي .
Kaya’t sabi ko, walang duda totoo ang sinabi ng Sugo ng Allâh ﷺ nang sinabi niya ito: ❝Samantalahin ang lima bago ang lima: Ang iyong kabataan bago (dumating) ang iyong pagtanda, ang iyong kalusugan bago (dumating) ang iyong karamdaman, ang iyong kayamanan bago (dumating) ang iyong kahirapan, ang iyong libreng oras bago (dumating) ang iyong pagkaabala, at ang iyong buhay bago (dumating) ang iyong kamatayan.❞
فقلت صدق رسول الله ﷺ حينما قال : ❞ إغتنم خمساً قبل خمس : شبابك قبل هرمك ، وصحتك قبل سقمك ، وغناك قبل فقرك ، وفراغك قبل شغلك ، وحياتك قبل موتك ❝
Oh Allâh! Tulungan Mo po kami sa pag-alaala at pasasalamat sa Iyo at pagsamba po sa Iyo sa paraan po ng Iyong nais. At maitago ang mabuting gawa na walang nakakaalam maliban po sa Iyo.. Yâ Rabb!
اللهم أعنا على ذكرك وشكرك وحسن عبادتك ، وخبيئة من عمل صالح لا يعلمها إلا أنت .. يا رب !
Note: Kaya mahal kong kapatid, habang bata malakas pa ang pangangatawan, malusog na walang karamdaman, may kaunting biyaya, hindi pa busy at may natitirang buhay samantahin ito sa mga gawaing ikinalulugod ng Allâh upang hindi magsisi sa huli… Di pa huli ang lahat!
____________________
🔎 (FaceBook | X | Instagram | YouTube | SnapChat | Google)