10/08/2024
PABATID LABACENOS‼️
Simula ngayong araw maghihigpit na ang barangay patungkol sa mga fisherfolk. Bago ka macertify na isa kang fishvendor, fish worker, boat crew, etc. kailangan namin ng proof or pweba na kayo ay isa sa mga iyan.
Ano ang mga kailangan?
-resibo ng fisherfolk
-rehistro ng banca
-kopya ng Annex A : Standard Vessel Regitration Application form
-kasama narin ang interview (C.I.) for confirmation na kayo ay totoong mangingisda.
BAKIT NAGHIHIGPIT?
Para sa kaalaman ng lahat, nakakaawa po ang mga tunay na Mangingisda na dapat sa kanila talaga ang mga benipisyo na nanggagaling sa itaas.
Marami pong hindi tunay na fisherfolk pero napapasama sa masterlist ng fisherfolk. Kung kayat simula ngayong araw magbeverify na ang barangay tungkol sa mga mangingisda. Kapag hindi naprovide ang mga kailangan naming papeles hindi po mabibigyan ng certificate.