12/06/2020
Hello mga ka Piso-Fi. Dahil sa pandemic lalo na yung mga nakaraang buwan obligado po tayo na mag troubleshoot sa mga problema nang ating mga WiFi vendo. May isa nagtanong sa akin kung papaano ba ayusin yung kulang yung value nang coins, halimbawa kapag may naginsert coin na 5piso pero sa portal lumabas ay 4piso lang o di kaya yung 10piso lumalabas ay 9piso lang. Karamihan yung solenoid cut at pin-cut ang laging nagkakaproblema nito pagdating nang panahon. Siguro sa katagalan yung wire from coinslot to rpi/orange pi need na palitan o baka may maluwag sa pins o di kaya change new coinslot o needs calibration sa coinslot. Pero kung ayaw nyo galawin yung loob ng WiFi vendyo nyo, may isa akong solusyon. Please refer to pic, yan ginagawa ko under sa Dashboard/Payment Portals. Lahat ng Joy Piso WiFi vendo nagawa ko ay power-cut at wala naman akong nababalitaan nagkaproblema sila nito pero pwede nyo rin ito ilagay para iwas aberya o problema.
Sa panahon ng pandemic sa lahat po stay@home po tayo, ugaliin mag facemask, ugaliin maghugas ng kamay at ugaliin mag social distancing. Sa mga Frontliners, I Salute You.
Happy Philippine Independence day mga ka Piso-Fi!