Mtk's Aircon & Refrigeration System Trading

Mtk's Aircon & Refrigeration System Trading Don't let the HEAT ruin your day ,Stay COOL & COLD �

29/06/2026

Oxygen daw ang ginagamit nya na pang Flushing. Sabi nong nakausap ko na Aircon Technician. Lupit. Wala akong masabi sayo master, idol na talaga kita 😁

Bakit nga ba bawal na ipang-flushing sa Refrigeration and Air-conditioning System ang Oxygen?

Tara alamin natin.

Pero bago ang lahat ay alamin muna natin kung ano ang nasa loob ng compressor motor.

Fixed and Moving mechanical parts, Motor winding, OLP, and Lubrication oil.

Focus tayo sa Lubrication Oil. Sa Refrigeration and Air-conditioning Industry ay dalawang uri ng lubricant oil ang ginagamit. At ito ay ang Polyalkylene Glycol o PAG at ang Polyol Ester Oil o POE Oil.

Ang PAG Oil ay ginagamit sa Automotive Air Conditioning. Samantala sa Domestic, Commercial at Industrial Refrigeration and Air-conditioning naman ginagamit ang Polyol Ester Oil (POE).

Ang dalawang Lubricant Oil ay parehong flammable. Halimbawa ang Polyol Ester Oil ay may Flash point lang ito na 200-260°C. Ibig sabihin ay mas flammable pa ito kung ihahambing sa refrigerant na R-32 na may Flash point na 640°C. Pero teka, ano ba itong Flash point. Ang Flash point ay ang hangganan ng taas ng temperature para magliyab o kusang mag apoy ang isang bagay.

Pero bakit bawal gamitin ang Oxygen na pang flushing? Ano ang kaugnayan nito sa Lubricant Oil?

Ang dalawang Lubricant Oil na nabanggit ay Hygroscopic. Ano naman itong hygroscopic? Ang hygroscopic ay kakayanan ng isang chemical na mag absorb ng moisture at ang dalawang Lubricant Oil na nabanggit ay merong kakayanan na mag absorb ng moisture. Ngayon, sa moisture ay andyan ang Oxygen, magkasama ika nga.

Sa madaling sabi, kapag gumamit ka ng Oxygen sa pag flushing ay maa-absob ito ng lubricant oil.

Kapag ang Lubricant Oil at Oxygen ay nagsama. Mabilis na magkakaroon ng Acid reaction at kasunod nyan ay ang matinding pagtaas ng pressure, ang pagtaas ng pressure ay pagtaas din ng temperature. Tandaan, 200-260°C lang ang Flash point ng lubricant na ito. Kapag naabot na ang temperature na iyan ay dyan na magkakaroon ng catastrophic explosion. At ayon pa sa Science Respiratory. Pag nagsama ang Oxygen at POE oil ay magkakaroon ng extremely fast chemical reaction at magre-release ng heat at magkakaroon na ng micro ignation hanggang sa magkaroon na ng chain reaction. Dahil sa sobrang init at taas ng pressure ay hindi na makakayanan ng shell ng compressor at dito mangyayari ang catastrophic explosion.

May kaso na ba nito? Meron. Noong 2004, may dalawang technician na nag service sa isang establesyemento sa South Luzon Express Way. Sa pagmamadali ay Oxygen tank ang nadala na sana ay Nitrogen. Sa kasamaang palad ay hindi na nakauwi sa kanyang pamilya ang Isa sa kanila.

Kaya naman sa mga training center/school ay mahigpit na ipinapaalala lagi ng isang Professor ang bagbabawal sa paggamit ng Oxygen bilang pang flushing dahil sa sobrang napaka-delikado nito.

More Aircon tips please follow for more info. MTK'S AIRCON AND REFRIGERATION SYSTEM TRADING

Why MTK'S AIRCON AND REFRIGERATION Services? 🤔

Legit:
👍Authorized Aircon Sub Dealer
👍Authorized Installer
👍MTK'S AIRCON AND REFRIGERATION are built by Trust, Expertise and Genuine care to our customer.
👍Our Technicians are Technically Trained by the top Aircon brand like Daikin, Carrier and Others.
👍Quality products and services with a competitive price.
👍Guaranteed on time completion.
👍Very good customer service and after-sales.
👍We valued our customers trust.

Sub-Dealer and Reseller are very much welcome.

Aircon Units Available:
🥶 Daikin
🥶 Panasonic
🥶 Carrier
🥶 Midea
🥶 Gree
🥶 CHiQ
🥶 LG
🥶 TCL

Services Offered:
✅ Sales
✅ Installation
✅ Repair
✅ Parts Supply
✅ Dismantling
✅ Relocation
✅ General Cleaning
✅ Preventive Maintenance

❄️Inquire Now❄️
📞0936-8025076
📞0977-6238758

Address

Davao City
8000

Telephone

+639776238758

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mtk's Aircon & Refrigeration System Trading posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Mtk's Aircon & Refrigeration System Trading:

Shortcuts

Share