26/09/2026
“MA’AM, HINDI KO NA PO ITUTULOY.”
Ayan ang message na natanggap ko pagkatapos naming bumiyahe ng halos 3 hours para ma-deliver at ma-demo ang STANDEE niya. 😅
GenSan to Davao.
Nagbigay siya ng downpayment, kaya agad naming pinroseso ang order. Kinabukasan, bumiyahe na kami papunta sa area niya.
Pagdating namin, nag-demo kami nang halos 1 hour. Inexplain namin kung paano gamitin, paano ang process, at sinagot lahat ng questions niya.
Akala namin, okay na.
Pero biglang nagbago ang isip niya.
Hindi na raw niya itutuloy ang pagbili.
Of course, naiintindihan namin na may mga pagkakataong nagbabago ang isip ng isang customer.
Kaya sinabi ko nang maayos:
“Okay lang po. Pero forfeited na po ang downpayment dahil naprocess na ang order at nakapag-deliver na kami.”
Nag-offer pa siya na dagdagan na lang daw ang bayad para sa gas at travel expenses.
Pero hindi na po kami tumanggap.
Hindi dahil gusto naming makipagtalo.
Kundi dahil may malinaw kaming policy at kailangan din naming panindigan iyon.
Dito ko rin na-realize kung gaano ka-importante ang DOWNPAYMENT sa isang business.
Hindi lang siya simpleng paunang bayad.
It shows commitment.
Kapag may downpayment, may order na kailangang i-process, may oras na ilalaan, may gastos sa preparation at delivery.
Kaya bago kayo mag-decide na pumasok sa isang negosyo, pag-aralan muna nang mabuti.
Huwag basta dahil nakita mong kumikita ang iba, iisipin mong ganun din agad ang mangyayari sa'yo.
Walang business na may kasamang guaranteed customers.
Walang business na guaranteed ang income.
Pero kung willing kang matuto, mag-effort at alagaan ang negosyo mo.
kahit maliit ang kita sa umpisa, kita pa rin iyon.
At para sa akin,
HANGGA’T KUMIKITA KA, PANALO KA. ❤️
Business is not always about how much you earn today.
Minsan, tungkol din ito sa integrity, commitment, at kung paano mo pinaninindigan ang mga bagay na pinasok mo.