Halal Foods Bangsamoro Womens

Halal Foods Bangsamoro Womens Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Halal Foods Bangsamoro Womens, Business service, Davao City.

25/10/2022

NGAYONG ARAW NG MARTES (October 25, 2022) AY MAGKAKAROON NG ECLIPSE "Paglaho ng liwanag ng araw o buwan"❗❗

👉 Sa bouong Middle East, Magsisimula ang Eclipse mula 1:30 hanggang 3:50 ng hapon mamaya.

Sa Pilipinas at karatig bansa, Ang Eclipse ay magaganap sa oras na 4:16 ng hapon at magtatapos ng 8:50 ng gabi at ito ay hindi masyado makikita ng buo.

👉ANO ANG DAPAT GAWIN KAPAG MAYROONG ECLIPSE??

ANG ECLIPSE AY MAYROON DALAWANG URI:

SOLAR ECLIPSE at LUNAR ECLIPSE

♦️ Ang SOLAR ECLIPSE: Ay ang paglaho ng liwanag ng araw at ang pagdilim nito.

♦️ Ang LUNAR ECLIPSE naman ay ang paglaho ng liwanag ng buwan at ang pagdilim nito.

👉 BAKIT NAGKAKAROON NG ECLIPSE?

-Ang ECLIPSE ay kabilang sa tanda ni Allah bilang pagbibigay babala sa Kanyang mga alipin at hindi bilang tanda ng pagkabuhay o pagpana ng sinuman!

👉 ANO ANG DAPAT GAWIN KAPAG NAGKAROON NG ECLIPSE?

Kabilang sa SUNNAH "mainam na gawin" sa panahon ng pagkakaroon ng Eclipse ay pagsasagawa ng SALAH!
Tinawag ang Salah na ito na SALATUL KUSUF “Solar Eclipse”
at SALATUL KHOSOOF “Lunar Eclipse”

-Ang pagsagawa ng SALATUL KUSUF O SALATUL KHOSOOF ay SUNNAH MAUKKADA (isang mainam na SUNNAH)!!

-Ang pagdarasal na ito ay isinagawa sa Panahon ng Propeta at sa mga sumunod pang henerasyon hanggang sa kasalukuyan at itinagubilin ang pagsasagawa nito!!

-Maaari itong isagawa sa Masjid ng (Jamaa) at ipinahintulot din isagawa sa loob ng tahanan indibidwal (lalaki at babae ay maaaring magsagawa nito).

-Ang Salah na ito ay binubuo ng dalawang Rakaat na walang Adhan at Iqamah.
Sa isang Rakaat (isang tayo) ay may dalawang ulit na pagbabasa ng Fatiha at Soora at dalawang ulit ang pagsagawa ng Ruku (pagyuko) at dalawa ring pagsagawa ng Sujiud.

-Pagkatapos ng unang Rakaat ay muling Tumayo at isagawa sa pangalawang tayo na katulad ng ginawa sa unang tayo.

Pagkatapos ng Salah ay isasagawa ng Imam ang isang Khutbah at magsagawa ng Dua.
Kung ang pagdasal ay indibidwal ay hindi na magsagawa ng Khutbah

👉 SIMPLING PAMAMARAAN NG PAGSAGAWA NG SALATUL KHUSUOF:

a-magsagawa ng Niyyat (isapuso o isaisip ang gawaing Salah at walang Niyyat na bibigkasin)

b-Bigkasin ang Takbir “Allahu Akbar”

c- Basahin ang Fatihah nang malakas o katamtaman kung ikaw lang mag-isa gayundin sa mga kababaihan

d- Mainam na bumasa ng mahabang Soorah

e- Magsagawa ng pagyuko “Ruku” (mainam na patagalin ito)

f-Muli ay bumangon mula sa pagsagawa ng Ruku

g- Basahin muli ang Fatihah at dugtungan ng panibagong Soorah na mas maiksi kumpara sa unang binasa

h-Magsagawa ng pagyuko “Ruku”

i- Muli ay bumangon mula sa pagsagawa pagyuko “Ruku”

j- Magsagawa ng dalawang Sujiud sa tuwing mag Sujiod ay pahabain ito.

k- Muling tumayo at isagawa ang Pangalawang Rak’ah tulad ng isinagawa sa una, Subalit ito ay mas maiksi ang pagsasagawa kumpara sa unang tayo

l-Pagkatapos magsujiod sa Huling Sujiod ay umupo at mag-tashahhod at magsagawa ng Tasleem “Salam”.

Ang kabuuwan sa isang Rakaat ay:

2x Fatiha, 2x Soorah, 2x Ruku, 2x Sujiod
Ang kabuuwan ng dalawang Rakaat o buong Salah ay:
4x Fatiha, 4x Soorah, 4x Ruku and 4x Sujiod

-Kapag ikaw ay huling dumating sa Masjid at may nakaligtaan kang Rakaat, ay kumpletuhin lamang ito ng panibagong Rakaat pagkatapos magsalam ng Imam.

-Ang pagdasal ng Salatul Khusof ay walang pinipiling panahon, kahit pa sa panahon na ipinagbawal ang pagsasagawa ng Salah ay maaari itong isagawa.

Ang Eclipse ay magaganap sa Pilipinas at karatig bansa sa oras na 4:16 ng hapon at magtatapos ng 8:50 ng gabi at ito ay hindi masyado makikita ng buo.

✍ Zulameen Sarento Puti

halal khubos💕
17/05/2020

halal khubos💕

21/07/2019

Address

Davao City
8000

Telephone

+639153589351

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Halal Foods Bangsamoro Womens posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share