26/12/2025
Ipinapahiwatig nito na ang iyong lakas, oras, at layunin ay unti-unting nauubos sa mga bagay na hindi mahalaga, kaya nalalayo ka sa direksyong dapat mong tahakin.
Ito ay paalala na, Hindi ka naliligaw dahil mahina ka, kundi dahil marami kang iniisip na hindi naman kailangan ngayon.
Ang pagkawala ng pokus ay unti-unting paglayo sa pangarap, hindi isang biglaang pagkabigo.
Ang tunay na disiplina ay ang kakayahang ibalik ang sarili sa layunin kahit paulit-ulit kang nadidistract.
Sa mas malalim na antas, sinasabi nito:
"Naririnig ka ng pangarap mo, pero hinihintay ka nitong tumigil sa pagtingin sa ingay at bumalik sa direksyon."
-MentorRhonjake