05/08/2026
Madalas naming marinig: โMataas daw ang interest ni PayJoy.โ
Pero bago tayo humusga, hayaan ninyo kaming ipaliwanag kung bakit ganito ang sistema ng PayJoy at kung paano ito nakakatulong sa mas maraming Pilipino.
Sa karamihan ng financing companies, napakaraming requirements ang hinihingi bago maaprubahan ang isang aplikasyon. Kadalasan, kailangan ng ilang contact numbers ng kaibigan o kamag-anak, proof of income o payslip, at dalawa o higit pang valid IDs. Kapag kulang ang requirements o hindi sapat ang kanilang assessment, malaki ang posibilidad na ma-reject ang application.
Nauunawaan naman natin kung bakit nila ito ginagawa. Bilang financing companies, kailangan nilang protektahan ang kanilang negosyo laban sa mga hindi makakabayad.
Ngunit iba ang layunin ng PayJoy.
Sa PayJoy, naniniwala kami na hindi dapat maging hadlang ang kakulangan ng requirements para makakuha ng smartphone na kailangan mo para sa trabaho, pag-aaral, negosyo, o pakikipag-ugnayan sa pamilya.
Maraming Pilipino ang walang regular na trabaho, walang payslip, o kulang sa valid IDs. Marami rin ang wala pang credit history. Sa ibang financing companies, maaaring maging dahilan ito ng rejection. Ngunit sa PayJoy, binibigyan namin ng pagkakataon ang mas maraming tao na maaprubahan at magkaroon ng access sa teknolohiyang kailangan nila.
Isa pa sa mga pinahahalagahan namin ay ang paggalang sa aming mga customer. Kapag nagkaroon ng pagkakataong mahuli sa pagbabayad, hindi namin layunin na ipahiya ang customer o gambalain ang kanilang pamilya at mga kaibigan. Naniniwala kami na ang bawat customer ay nararapat tratuhin nang may respeto at dignidad.
At higit sa lahat, walang penalty charges na ipinapataw dahil lamang sa pagka-late ng bayad. Ang mahalaga sa amin ay makipag-ugnayan ang customer at maayos na maipagpatuloy ang kanyang account.
Ang totoo, ang tiwalang ibinibigay ng PayJoy sa bawat customer ay may kaakibat ding panganib para sa kumpanya. Kaya normal lamang na may kaukulang financing charges bilang bahagi ng pagpapautang at pagbibigay ng pagkakataon sa mga customer na hindi madaling naaaprubahan sa ibang financing providers.
Ang magandang balita? Habang maayos at on-time ang iyong pagbabayad, nakakatulong ka ring makabuo ng magandang credit record. Kapag napatunayan mong responsable kang magbayad, maaari itong maging daan sa mas magandang financing opportunities sa hinaharap.
Sa PayJoy, hindi lang kami nag-aalok ng installment. Nagbibigay kami ng pagkakataon, tiwala, respeto, at mas maraming oportunidad para sa bawat Pilipino na makuha ang smartphone na kailangan nila.
PayJoy โ Install now, pay later. Dahil naniniwala kami sa kakayahan ng bawat customer.