03/07/2023
REALITY behind sa pricing ng vendo
Kung tutuusin mura lang ito kung sariling buo mo pero pag nasira mahihirapan ka maghagilap ng technician na madaling makaayos ng problema kahit ako mismo pag unang encounter ko sa problem ng vendo nangangapa ako , kaya binebenta ng iba yan ng mahal kasi yung talent at support na makukuha mo is sulit at hindi ka rin iiyak iyak sa Group para magpost na iniwan ng seller . Kadalasan nangyayari to sa secondhand unit na transaction pero di ko nilalahat ng nagbebenta ng secondhand ahh. pero dapat marunong ka na sa vendo kung bibili ka ng secondhand.
Scenario 1 :
( bumili ng mura )
nasira, naghanap ng tech, natengga ng ilang ataw or linggo tapos end of the month kaunti lang kinita mo worst case scenario pa pag may kakumpetensya ka malamang lilipat na doon yung customer mo kasi ilang araw kang offline sa vendo operation eh . hindi mo nabawi puhunan mo agad agad + stress ka pa total lugi ka pagod ka pa
Scenario 2 :
(bumili ng quality over quantity na vendo in short mahal pero quality at may aftersales support) brandnew
one time payment lang yung malaking presyo pero sulit kasi pag may tanong ka may sasagot agad sayo hindi basta basta nasisira ang unit dahil may experience ang gumawa at madali maaayos dahil kontak mo na mismo pinagbilhan mo syempre sasagot yan sayo mahal bili nya sayo tapos di sasagot ang seller hahaha ibang scenario na yun . mas mabilis mo nabawi puhunan kasi dumami ang customer mo dahil quality yung vendo na nabili mo at maganda ang service. masaya ka na hindi ka pa stress.
Yun lang haha dagdagan nyu nalang
Happy Sunday βΊοΈ