31/07/2026
Pres. Lukma's word of thanks♥️
Bismillah.
Assalamu Alaikum.
Magandang umaga sa ating lahat.
35 days ago, hawak lang namin ay gunting at pangamba.
Ngayon, hawak na namin ay diploma, skill, at pag-asa.
Ang buhay OFW ay parang tela.
Ang front side, maganda —
Dahil may bahay na napapatayo,
May anak na napapag-aral,
mmy pangarap na natutupad.
Ang back side, hindi maganda —
Dahil may kaarawan na hindi nadadaluhan,
May yakap na hindi naibibigay,
May gabing mag-isa lang sa ibang bansa.
At ang pinakagusot- yung uuwi ka ng pilipinas para magpahinga, pero 1 week pa lang, ginawa ka ng tagaluto, Taga laba, Taga bayad ng bills, at may pa-general cleaning ka pa sa boung bahay at bakuran. 🤣
Halos lahat kami dito, ganyan ang kwento.
Karamihan sa amin, uuwi na kaunti lang ang ipon, may edad na, at limitado pa ang kaalaman.
Salamat na lang at may pag-asa.
Salamat sa TESDA,
Sa BOBSLOR FOUNDATION INC., isang initiative ng ating mahal na Mayor Lorelie G. Pacquiao at Gensan Councilor Alberto 'Bobby' D. Pacquiao.
Sa ngalan ng batch na ito, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa BobsLor Foundation Inc.
Sa scholarship niyo, hindi lang kayo nagturo ng dressmaking. Binigyan niyo kami ng bagong kasanayan, bagong kumpiyansa, at bagong kinabukasan.
To our Mayor, thank you, thank you for listening to our needs.
Maraming salamat sa mga programang nagdadala ng pag-asa, kabuhayan, at kaayusan sa ating lungsod.
Sir Bobby, thank you for choosing us as recipients of this training.
Thank you for your support para sa mga OFW.
Salamat sa TESDA.
Sir Jerson at sa buong staff ng TESDA Tinagacan, magiging patunay kami na ang TESDA ay daan tungo sa tagumpay.
Sa aming g**o,
Ma'am Nenita Bedeja, hindi niyo lang po ako tinuruan, nagtiwala din po kayo sa aking kakayahan. Salamat sa matiyagang pagtuturo ng bawat tahi at pattern.
Kay Sir Carlo, salamat sa pagtuturo kung paano gawing negosyo ang aming talento.
Sa aking mga classmates, ang dami nating natutunan sa isa't isa.
Maraming salamat sa pang-unawa at respeto. Salamat din sa mga maliit na gusot — kasi yun pa yung mas lalong nagpalapit sa atin.
To my UMOA Family, Congratulations to us!
Hindi ko man ito palaging nasasabi, pero sobrang importante sa akin ang connection na meron tayo.
Sa loob ng 4 years, nakita natin ang ups and downs. Yung pagod, yung saya, pinagdaanan na natin ang matitinding pagsubok, pero nandito pa rin tayo — mas buo, mas matatag.
Istrikto man ako, pero sobrang na-eenjoy ko ang presensya ng bawat isa sa inyo.
Every meeting, every project, every tawanan natin after ng mga stressful na gawain — ang ganda ng nasimulan at nabuo natin.
And I know, mas marami pa tayong mararating together.
Maraming salamat sa tiwala at kumpiyansa.
Thank you all for being part of my story.
Mabuhay po tayong lahat!