Homebase ticketing and travel and tours business

Homebase ticketing and travel and tours business Swak na swak na pangkabuhayan. Kahit sa bahay pwede ka ng kumita.

16/08/2025

It’s okay to stay single.
It’s not less spiritual, less complete, or less blessed.
Singleness can be a season of undivided devotion to the Lord.

But if God places marriage in your path, enter it not just to “fix” your desires, but to live out His design with love, faithfulness, and purpose.

Marriage is also a gift → a covenant that reflects Christ’s love for the Church (Ephesians 5:25–33).

It's not something we just enter out of pressure, loneliness, or desire alone. It's God’s timing and purpose for our life. Some are called to serve Him best single, some are called to serve Him best married. Both are equally honorable when lived in obedience to Him.

Whether single or married, remember that your worth and purpose are complete in Christ Jesus our Lord.

"1 Corinthians 7:8-9 NLT
[8] So I say to those who aren’t married and to widows. it’s better to stay unmarried, just as I am. [9] But if they can’t control themselves, they should go ahead and marry. It’s better to marry than to burn with lust.





10/07/2025

Para makausad, kailangan mo munang kalimutan.
Hindi lang basta kalimutan, kundi ipagkatiwala kay Kristo ang lahat ng bigat na ‘yan.

Remember, binibigyan ka Nya ng bagong araw, bagong buwan, bagong taon bagong pagkakataon mula sa Diyos.

Pero paano ka tatanggap ng bago kung punong-puno ka pa ng luma o ng nakaraan?

Hindi mo kayang dalhin ang tawag ng Panginoon ngayon kung mahigpit mo pa ring hawak ang mga sugat, kasalanan, at tagumpay ng nakaraan.

Baka one time in your life sinasabi mo rin, “Pero hindi mo alam ang pinagdaanan ko.”

Tama ka.
Hindi ko alam.
Pero si Jesus, alam Niya yong bawat luha, bawat sakit, bawat pagod. At higit doon, kasama mo Siya. Hindi Siya kailanman lumayo sayo.

For sure, ang season ng pruning, o pagputol ng mga hindi na makakatulong sa paglago ay parte ng plano Niya. Hindi dahil pinaparusahan tayo, kundi dahil inihahanda Niya tayo para sa mas mabunga at mas malalim na relasyon sa Kanya.

Kaya sa bagong season na ‘to, ito ang paninindigan ko:
Iiwan ko ang nakaraan, at lalakad ako sa panibagong simula kasama si Kristo.

✔️ Iiwan ko ang pagkakamali
✔️ Iiwan ko ang dating ako
✔️ Iiwan ko ang yabang, takot, at galit
✔️ Kasi mas mahalaga kung ano ang binubuo ni Jesus sa puso ko ngayon.

Hindi sa sarili kong lakas, kundi sa biyaya at habag ni Cristo ako magtitiwala. Dahil Siya lang ang may alam sa simula, gitna, at wakas ng kwento ko.

At alam kong sa kamay Niya, ligtas ako.





09/07/2025

Kung si Lord naka-move on na sa nakaraan mo, bakit ikaw hindi at hanggang ngayon, dala-dala mo pa rin?

Napatawad ka na.
Pinalaya ka na.
Alam mo ano mas maganda na nangyari?
Yong pinili ka pa rin Niya kahit nakita Niya ang pinakapangit sa'yo.

Don’t let guilt keep you from receiving grace.
God is doing something new in your life pero paano Niya sisimulan, kung ikaw ay ayaw pa ring bumitaw?

👉 Kalimutan mo na ang kahapon.
👉 Harapin mo na ang ngayon.
👉 Tumingin ka na sa bukas na puno ng pag-asa.

Move forward, not backward.
Because your future in Christ is far greater than your failures in the past.

“If anyone is in Christ, he is a new creation. The old has gone, the new has come!” 2 Corinthians 5:17




09/07/2025

Totoo ‘yan. Minsan hindi obvious ang atake ng kaaway, hindi laging malaking kasalanan agad. Minsan simpleng pag-relax sa faith, konting compromise, o ‘yung “okay lang naman siguro to” mindset. Pero ‘yan pala ang unti-unting butas para makapasok ang kasalanan.

Napansin ko sa sarili ko, disobedience doesn’t always start with rebellion, it starts with distraction. Kapag tinamad na akong mag-pray, o kapag mas inuuna ko na ang sarili kaysa sa presensya Niya. Kapag nasanay na akong hindi muna mag-devotion, tapos okay lang kahit wala akong time kay Lord.

Pero buti na lang, si Lord laging nandyan para i-remind tayo. Na ang pagsunod sa Kanya, hindi para pahirapan kundi para protektahan tayo. Ang mga utos Niya, hindi para i-limit tayo, kundi para i-guide tayo sa buhay na puno ng kapayapaan. Hallelujah!




04/07/2025

God's favor gives life.

When He smiles on you, doors open, strength returns, and dry seasons turn into seasons of refreshing. In other words, pag si Lord ang nagbigay ng pabor, hindi lang sya basta sagot kundi buong buhay mo...

Nagbabago. Nakakabuhay. Nakakagaan. Nakakapuno.

May God's favor be upon you. Shalom!✨

02/07/2025

Alam ko hindi madali ang dumaan sa sakit maaring galing sa rejection, pagkabigo, betrayal, o pagkawala. Minsan, mas madaling magkunwaring okay kaysa harapin ang bigat ng puso. Pero alam niyo ba? Yung sakit na ‘yan, pwedeng maging teacher mo.

Yes, pain can teach us. It can reveal who we are, who really cares, and most of all, kung gaano natin kailangan ang Diyos. Tinuruan ako ng sakit na humawak, hindi sa tao, kundi sa Panginoon. Tinuruan ako ng sakit na maging mapagpakumbaba, at higit sa lahat, matutong magpatawad.

Pero kahit gaano pa tayo masaktan, tayo pa rin ang may choice.

Tayo ang pipili kung mananatili sa sugat, o maglalakad patungo sa kagalingan. At ang kagalingan, hindi lang basta recovery, it’s restoration from the Lord.

Pinili kong maghilom. Pinili kong ibigay sa Diyos ang mga luha ko. At sa bawat hakbang ko palapit sa Kanya, mas lalo kong nakita ang kabutihan Niya.

Kaya kung nasasaktan ka ngayon.

Let me encourage you to let pain teach you, but don’t let it define you.

Choose healing. Choose freedom. Choose Jesus.

Dahil sa Kanya, ang sugat mo ay may silbi.
At sa Kanya, may bagong simula.

Psalm 147:3 (NIV)
He heals the brokenhearted and binds up their wounds.

Hindi man agad-agad, pero tapat ang Diyos sa paghilom ng pusong sugatan. ✨🧡🥹




02/07/2025

Sometimes we wonder if our prayers make a difference, lalo na kapag ang sagot parang ang tagal dumating.

But the truth is this: your prayer matters not because you use the right words, or because you’re perfect but because you matter deeply to the One you're praying to.

Proverbs 15:29 reminds us, “The Lord is far from the wicked, but he hears the prayer of the righteous.”

When your heart is set on Him even in weakness, He listens. He draws near.

Hindi mo kailangang maging perpekto para mapakinggan basta totoo ang puso mo.

Kaya kahit bulong lang, kahit iyak na lang, o kahit wala ka nang masabi for sure pinapakinggan ka Niya.

That’s why prayer matters. Because you matter to God.



30/06/2025

Maraming beses, gusto nating balikan ang nakaraan, yung mga pagkakamali, maling desisyon, o nasayang na pagkakataon. Pero sa totoo lang, kahit anong pagsisisi o pag-ulit sa isip natin, hindi na talaga natin mababalikan ang kahapon.

"What’s done is done." That’s a hard truth.

Pero heto ang mas mahalagang katotohanan: kay Jesus, laging may bagong simula. Hindi mo man mabago ang nakaraan, pero maaari mong baguhin ang meron ngayon. Sa Kanya, may pag-asa. May direksyon. May purpose.

Sabi nga sa Philippians 3:13-14, “Forgetting what is behind and straining toward what is ahead, I press on toward the goal…” — This is our call. Hindi manatili sa lungkot ng kahapon, kundi lumakad nang may pananampalataya sa landas na inihahanda ng Diyos para sa atin.

So today, choose to surrender the past. Bitawan ang bigat. Hayaan mong ang Diyos ang magtuwid ng landas mo. Let go, and let God redeem your story. What’s done is done, but with Jesus, your future is not.




Sino Gusto magkaroon ng ticketing business using your cell phone connected 406 airlines?
08/11/2019

Sino Gusto magkaroon ng ticketing business using your cell phone connected 406 airlines?

Pangarap mo bang mag-NEGOSYO? 🤔☺️🙂Feeling mo ba wala na namang patutunguhan ng bunos mo? 🤑Well, Ito na ang iyong chance....
06/11/2019

Pangarap mo bang mag-NEGOSYO? 🤔☺️🙂

Feeling mo ba wala na namang patutunguhan ng bunos mo? 🤑

Well, Ito na ang iyong chance. Grab our special promo!✌️

Franchise Homebased, E-cash Pay Center and start your dream business. CALL US NOW!

Pm me




Address

General Santos City
9500

Telephone

09952767081

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Homebase ticketing and travel and tours business posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Homebase ticketing and travel and tours business:

Share