03/10/2025
“No” ang naging tugon ni Vice President Sara Duterte nang tanungin kung nananatiling “stable” ang gobyerno sa gitna ng kontrobersyal na flood control scam.
Ayon kay VP Sara, malinaw na inaabuso ang mga institusyon at ginagamit para sa pansariling interes, habang nagpapatuloy ang alegasyon ng korapsyon sa mga flood control projects.
“Our institutions are clearly abused… we have already seen the testimony of witnesses about corruption and there is practically nothing happening in our country,” aniya sa presscon nitong Lunes, Setyembre 29, matapos ang budget deliberation ng Senado para sa Office of the Vice President (OVP).
Dagdag pa niya, ilang beses na niyang pinaalalahanan ang mga opisyal na itigil ang pamumulitika at unahin ang bayan, dahil kung hindi ay walang mangyayaring progreso.