16/03/2026
Fire Prevention Month.
Alam mo ba ang "FIRE TRIANGLE"?
Ang fire triangle ay nagpapakita sa atin ng tatlong mahahalagang sangkap para magkaroon ng fire o mag-start ang fire. Ang nabanggit na tatlong sangkap ay ang FUEL, HEAT at OXYGEN.
Fuel - kahit anong bagay na nasusunog kagaya ng papel, kahoy, gasolina, at iba pa
Heat - mga bagay o gawain na nagpapataas ng init or temperature.
Oxygen - chemical na nasa hangin o sa paligid natin. Merong 21% nito sa paligid natin/atmosphere/hangin. Ang apoy ay kailangan ng atleast 16% of oxygen.
Ibig sabihin kapag nagsama-sama ang fuel, heat at oxygen, ito ay magdudulot ng reaction. At ang reaction na yun ay ang FIRE o apoy. Dahil sa Fire Triangle malalaman din natin na, kapag pinigilan natin na magsama-samaa ang fuel, heat at oxygen, mapipigilan natin na magsimula ang apoy.
Ito ang ilan sa mga simple tips para magawa ang fire prevention o ang pagiwas sa pagsimula ng apoy:
1. I-unplug natin ang lahat ng electrical equipment na hindi ginagamit.
2. Huwag i-overload ang electrical circuit. For example, huwag mag octopus wiring or mag plug ng madaming electrical equipment sa isang outlet. Hanggat maari ay iwasan natin gumagamit ng madaming electrical equipment nang sabay-sabay.
3. Sa pagluluto gamit ang LPG, i-check natin kung may tumatagas na LPG sa mga hose at sa mga duktungan, kapag may tagas isara kagad ang valve ng LPG tank at palitan ang may tagas. May maaamoy tayong parang bulok na itlog kapag ito ay may tagas. Siguruhin din natin na stored properly ang ating LPG tank at nasa well-ventilated na lugar para hindi maipon ang mga gas vapors na pwedeng maging sanhi ng fire.
4. Ugaliin din nating maglinis at magtapos ng basura in a regular basis dahil ang kalat o basura ay kadalasang mabilis lumiyab o umapoy.
5. Iwasan din nating manigarilyo sa loob ng bahay o sa lugar na may malapit na mga bagay na madaming umapoy. Kung hindi mapipigilan, manigarilyo lang sa labas ng bahay o sa lugar na malayo sa mga bagay na madaming umapoy. Siguraduhin din na kapag itatapon na ang sigarilyo ay talagang wala na ang baga nito. Ang magandang gawin ay basain ng tubig o ilubog sa tubig ang tirang sigarilyo. At itapon ang tirang sigarilyo sa tamang tapunan.