18/10/2018
Business tips of the day: about "SELF MASTERY"
Ano nga ba ang "Self-Mastery"?
Sa aking pananaw, ang "self-mastery" ang isa sa pinaka mahalagang sangkap ng isang negosyo. Marami ang nag lalakas loob na sumabak sa negosyo sa paniniwala na ang mag papayaman sa kanila ay ang "company", "product", o yung taong sinalihan nila ang mag papayaman sa kanila. Ngunit ito ay kadalasang nauuwi sa pagka lugi, na kadalasang nauuwi sa tinatawag na "burn-out". Sapagkat hindi nila taglay ang tinatawag na "Entrepreneurial Spirit". Ito ay binubuo ng "Proper Mindset" at "Proper Skillset".
Una sa lahat kailangan muna maayos ang iyong "mindset". Dapat nakahanda ang puso at isipan na maibuhos mo ang lahat ng resources mo para sa iyong negosyo. Ang mga halimbawa ng iyong ma resources ay ang panahon, salapi, at maraming sakripisyo para umunlad sa negosyo. Ang isang matagumpay na entrepreneur ay walang takot at alinlangan. Hindi ko kayo tinatakot na sumabak sa negosyo, bagkos kayo ay aking ine-encourage. Pinag papauna ko lang sa inyo na ito ang tamang proseso para maging maunlad sa negosyong papasukan.
Kapag naayos na ang iyong "mindset", ay susunod naman na kailangan maayos ay ang iyong "skillset". Hindi pwede na purok tapang lang sa negosyo pero hindi naman gumagamit ng utak. Kailangan mo ng karunungan at tamang diskarte. Mali ang paniniwala na may mga taong mahusay sa isang bagay. Lahat ng skillset na kailangan mo sa isang negosyo ay natututunan. Walang pinanganak sa mundo na alam na agad ang lahat ng bagay. Ang kailangan mo ay determinasyon at pag tatyaga na pag-aralan ang mga kailangan mong matutunan sa pag nenegosyo.
Kapag natutunan mo na ang "self-mastery", ay unti-unti mong mapapansin na magkakaroon ng pag-unlad sa iyong negosyo.
Kung may katanungan about sa business ay maaari kayong mag message sa Page na ito.