05/01/2020
I was sitting in front of our door taking a cup of coffee while watching the children playing outside and suddenly realized the old days that passed by. The " ang dayaaaaa", "oh ikaw na taya", "ah nadapa", "sali ka" and "ang sakit ng sugat ko" are some words that hurt me in such a seconds.
I remember the days that I am the one who was saying the "ang daya" sa kalaro pag nalalaman kong nadadaya ako, but now this word "ang daya" start to mean and ruin my life in simply saying "ang daya ng buhay."
The days that I am the one who was saying the "oh ikaw na taya" sa bawat kalaro na nahuhuli mo, but now this word start to mean and ruin my life in simply saying "ako nanaman taya?" sa kahit anong aspeto ng buhay.
I am the one who was saying the "ah nadapa" sa mga kasali na alam mong natutumba at halos di na makatayo, but now this word start to mean and ruin my life in simply saying "nadapa nanaman ako, makakaya ko ba ulit?" sa mga hamon na dumarating sa buhay ko.
I was saying the "sali ka" sa mga batang alam mong gustong makalaro, but now this word start to mean and ruin my life in simply saying "wag kana sumali, ayokong madamay ka" kasi kaya ko naman to mag isa.
"Ang sakit ng sugat ko" is the word that I was saying before everytime na magkakasugat at nasasaktan ako, but now it start to mean and ruin my life in simply saying "aray, ang sakit sakit na" even though wala naman akong sugat.
These things helped me para mauntog ako sa reyalidad at magising sa katotohanan na hindi na pwedeng mabalik yung mga oras na gigising ka sa lang sa umaga para mag almusal tapos maya maya maglalaro kana.
Yung mga oras na tatawagin ka ng nanay mo para umuwi at magpunas ng pawis at matulog sa tanghali.
Yung mga oras na tuhod lang ang nasusugatan at bola lang ang pinaglalaruan.
Totoo nga, pag narating mo na yung edad na halos ikaw na lang mag-isa, yung kaya mo na kahit wala kang kasama, yung magagawa mo na yung mga bagay bagay na di mo na kailangan ng desisyon ng iba. Tsaka mo lang malalaman na mas masarap pala yung mga araw na bata ka pa.
Dahil doon, hindi ka nag iisa, hindi ka pwedeng maglaro ng wala kang kasama, at di ka magdedesisyon ng ikaw lang ang naiiba.
Mararamdaman mo na yung lungkot, yung hirap, at minsan ka nalang makakaramdam ng saya na gaya ng nararanasan mo nung bata ka pa.
Nung pinapatulog ka ng nanay mo sa tanghali na di mo sinusunod, ngayon masasabi mo na sana ngayon pwede pa.
Nung nililinisan niya yung mga sugat mo pag nadadapa ka, sana ngayon kaya pa.
Nung kalaro mo lang yung nagiging problema mo sa araw-araw, sana ngayon ganun pa.
Pero wala eh, lumilipas ang araw, oras at mga taon.
Kaya para sa mga kagaya ko na nakakarealize ng halaga ng kahapon, sana nagawa natin yung mga bagay na makakakagpasaya satin ngayon kagaya ng ginagawa natin noon.
Always remember that:
"Adulthood is a line drawn in the sand. At some point, your childhood will be standing on the other side (Jodi Picoult).