ONE-KONEK

Call Directions Website Contact the business

ONE-KONEK Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from ONE-KONEK, Internet service provider, Santa Elena, Hagonoy.

**ONE-KONEK NETWORK INC.** is your trusted provider of fast, reliable, and affordable Fiber Internet and CCTV solutions. **OK sa SPEED, OK sa PRESYO, at OK sa SERBISYO!** ๐Ÿ“ถ๐Ÿ“น Proudly serving Hagonoy, Bulacan, and nearby communities. ** **

๐Ÿ“ข ONE-KONEK NETWORK ADVISORY๐ŸŒ INTERNATIONAL CONNECTIVITY UPDATEMagandang araw, ONE-KONEK Subscribers! ๐Ÿ’™Nais naming ipaal...
03/10/2026

๐Ÿ“ข ONE-KONEK NETWORK ADVISORY
๐ŸŒ INTERNATIONAL CONNECTIVITY UPDATE

Magandang araw, ONE-KONEK Subscribers! ๐Ÿ’™

Nais naming ipaalam na may kasalukuyang issue na nakakaapekto sa ilang international internet connections palabas ng Pilipinas.

๐Ÿ“ CURRENT LINK STATUS

๐Ÿ”ด PHILIPPINES โ†” SINGAPORE
DOWN / UNAVAILABLE

๐ŸŸ  PHILIPPINES โ†” HONG KONG
UNDER MAINTENANCE

Dahil dito, mas kaunti ang kasalukuyang available na daanan ng internet traffic papunta sa ibang bansa. Ang ibang connections ay gumagamit muna ng alternative routes, kaya maaaring magkaroon ng pagbagal o delay, lalo na kapag maraming gumagamit.

Maaaring maranasan ng ilang subscribers ang:

โ€ข Mabagal na pagbukas ng ilang websites at apps
โ€ข Mataas na ping sa online games
โ€ข Buffering sa videos at streaming
โ€ข Paminsan-minsang pagbagal ng international services
โ€ข Delay sa ilang websites at servers na nasa ibang bansa

๐ŸŒ BAKIT MAY IBANG APPS NA MABILIS AT MAY IBANG MABAGAL?

Hindi pare-pareho ang dinadaanan ng bawat website at app sa internet.

Kaya posibleng normal at mabilis ang ibang services, habang ang iba naman ay pansamantalang mabagal dahil gumagamit sila ng affected international connection.

๐Ÿ› ๏ธ ANO ANG GINAGAWA NG ONE-KONEK?

Patuloy na binabantayan ng ONE-KONEK Network Team ang ating internet connections at ginagamit ang mga available alternative routes upang mabawasan ang epekto sa subscribers.

Patuloy din ang pakikipag-ugnayan namin sa aming network providers para sa updates at restoration ng mga affected international connections.

โš ๏ธ PAALALA

Kung maayos ang inyong ONE-KONEK connection ngunit may ilang apps, websites, games, o streaming services na mabagal, maaaring konektado ito sa kasalukuyang international network issue.

Hindi rin lahat ng websites at online services ay maaapektuhan.

Patuloy kaming magbibigay ng update kapag may pagbabago sa status ng mga affected international connections.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at patuloy na pagtitiwala. ๐Ÿ’™

ONE-KONEK NETWORK

โš ๏ธ ONE-KONEK ADVISORY | MULTIPLE ONLINE SERVICES EXPERIENCING ISSUESDear ONE-KONEK Subscribers,As of October 2, 2026, ma...
02/10/2026

โš ๏ธ ONE-KONEK ADVISORY | MULTIPLE ONLINE SERVICES EXPERIENCING ISSUES

Dear ONE-KONEK Subscribers,

As of October 2, 2026, may mga online platforms at services na nakakaranas ng increased reports of service issues, base sa monitoring ng Downdetector.

Dahil dito, maaaring makaranas ang ilang users ng slow loading, intermittent access, buffering, high latency/ping, failed logins, o difficulty accessing certain apps and websites. Maaaring maapektuhan ang ilang social media, gaming, streaming, cloud, banking, at iba pang online services.

๐Ÿ“Œ PLEASE BE ADVISED:
Kung active at connected naman ang inyong ONE-KONEK internet pero may particular na app, game, website, o online service na hindi gumagana o mabagal, possible na ang issue ay nagmumula mismo sa affected platform, kanilang servers, o upstream network โ€” at hindi necessarily sa inyong ONE-KONEK connection.

โš ๏ธ Please avoid resetting your ONU/router unnecessarily, lalo na kung connected naman ang internet at specific apps or websites lamang ang may problema. Ang pag-reset ng inyong equipment ay maaaring hindi makatulong kung external platform/server issue ang dahilan.

๐Ÿ”Ž Our team is continuously monitoring the situation, including the accessibility and performance of major online platforms and services. We will provide updates should there be significant changes.

Maraming salamat sa inyong patience, understanding, at continued trust sa ONE-KONEK. ๐Ÿ’™

ONE-KONEK NETWORK
Connecting You. Keeping You Informed.

๐ŸŒ ONE-KONEK @ iTAP 3rd General Assembly & Tech Exhibit 2026! ๐Ÿš€ONE-KONEK is proud to attend the 3rd General Assembly and ...
24/09/2026

๐ŸŒ ONE-KONEK @ iTAP 3rd General Assembly & Tech Exhibit 2026! ๐Ÿš€

ONE-KONEK is proud to attend the 3rd General Assembly and Tech Exhibit 2026 of the Internet and Technology Association of the Philippines, Inc. (iTAP), happening this September 24โ€“25, 2026 at Chali Beach Resort & Conference Center, Cagayan de Oro City.

With this yearโ€™s theme, โ€œServing the Underserved: Building the Infrastructure to Connect the Nation,โ€ we join fellow ISPs, technology providers, industry leaders, and partners from across the country to connect, collaborate, learn, and explore new technologies that can help us deliver better and more reliable internet services to our communities. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ“ก

For ONE-KONEK, continuous learning and stronger industry partnerships are part of our commitment to bringing better connectivity closer to every Filipino community. ๐Ÿ’™

ONE-KONEK โ€” Connecting Communities. Creating Possibilities. ๐ŸŒ

21/09/2026

๐Ÿ“ข SERVICE ADVISORY

Kasalukuyang nakararanas ng aberya o intermittent access ang ilang online services, partikular ang:

๐Ÿ”ด Facebook
๐ŸŸ  Facebook Messenger
๐ŸŸ  GCash

Ang naturang problema ay mula sa mismong mga platform at hindi sa inyong ONE-KONEK internet connection. Maaaring makaranas ng mabagal na loading, delayed na messages, o pansamantalang hindi pagbukas ng mga nasabing application.

Patuloy naming minomonitor ang kanilang status. Maraming salamat sa inyong pang-unawa.

๐Ÿ“น๐Ÿ”ง ONE-KONEK CCTV REPAIR & RESTORATION | BARANGAY PALAPATPatuloy ang ating serbisyo para sa mas ligtas na komunidad! ๐Ÿ’š๐Ÿ’™I...
15/09/2026

๐Ÿ“น๐Ÿ”ง ONE-KONEK CCTV REPAIR & RESTORATION | BARANGAY PALAPAT

Patuloy ang ating serbisyo para sa mas ligtas na komunidad! ๐Ÿ’š๐Ÿ’™

Isinasagawa ng ONE-KONEK technical team ang repair at restoration ng CCTV system sa Barangay Palapat upang maibalik sa maayos na kondisyon ang mga CCTV camera at koneksyon na mahalaga sa pagbabantay at seguridad ng komunidad.

Mula sa pagsusuri ng linya, pagkukumpuni ng koneksyon, hanggang sa restoration ng CCTV unitsโ€”sinisikap nating maibalik ang sistema sa maayos at tuloy-tuloy na operasyon.

๐Ÿ› ๏ธ CCTV Repair & Restoration
๐Ÿ“น System & Connection Checking
๐Ÿ›ก๏ธ Para sa mas maayos na pagbabantay at mas ligtas na Barangay Palapat

ONE-KONEK โ€” Connecting People, Building Communities.

15/09/2026

๐Ÿ“น ONE-KONEK CCTV INSTALLATION | PARA SA MAS LIGTAS NA SANTA ELENA

Patuloy ang pagkakabit ng mga CCTV cameras sa ating komunidad bilang bahagi ng pagsisikap na mapalakas ang seguridad at makatulong sa pagbabantay sa ating mga lansangan at pampublikong lugar.

Sa tulong ng ONE-KONEK Network and Data Solution, isinasagawa ang installation upang magkaroon ng mas maayos at mas malawak na CCTV monitoring sa Barangay Santa Elena.

๐Ÿ›ก๏ธ Mas ligtas na komunidad
๐Ÿ‘ฅ Mas maayos na kapaligiran
๐Ÿก Mas mapayapang Santa Elena

Hindi lang koneksyon ang ating binubuoโ€”kundi isang komunidad na mas ligtas para sa bawat pamilya.

ONE-KONEK โ€” Connecting People, Building Communities. ๐Ÿ’š๐Ÿ’™

โš ๏ธ TECHNICAL SERVICE ADVISORYDahil sa malalim na baha sa mga lugar ng San Isidro, San Juan, San Miguel, Tampok, Palapat,...
04/09/2026

โš ๏ธ TECHNICAL SERVICE ADVISORY

Dahil sa malalim na baha sa mga lugar ng San Isidro, San Juan, San Miguel, Tampok, Palapat, Iba, at Panducot, nahihirapan ang aming technical team na ligtas na makapasok at makapagsagawa ng repair at technical support. Dahil dito, asahan ang pagkaantala sa pagresponde at pagpunta ng aming mga technician sa mga apektadong lugar.

Pansamantala ring kanselado ang lahat ng nakatakdang installation sa mga nabanggit na lugar hanggang sa humupa ang baha at maging ligtas nang magsagawa ng field operations. Ang mga nakanselang installation ay agad naming ire-reschedule kapag maayos na ang sitwasyon.

Para naman sa mga subscriber na nakaranas ng tuloy-tuloy at beripikadong pagkawala ng koneksyon, maaaring humiling ng rebate o billing adjustment para sa mga araw na hindi nagamit ang serbisyo. Ang halaga ng bawas ay ibabatay sa aktuwal at beripikadong tagal ng service interruption at ilalapat sa susunod na billing.

Ang kaligtasan ng aming subscribers at technical personnel ang aming pangunahing prayoridad. Humihingi po kami ng inyong pang-unawa at pasensya.

Maraming salamat po at manatiling ligtas ang lahat.

โ€” ONE-KONEK

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ MALIGAYANG ARAW NG MGA PAMBANSANG BAYANI!Ngayong araw, ginugunita natin ang tapang at sakripisyo ng mga bayaning nagb...
31/08/2026

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ MALIGAYANG ARAW NG MGA PAMBANSANG BAYANI!

Ngayong araw, ginugunita natin ang tapang at sakripisyo ng mga bayaning nagbigay-daan sa ating kalayaan. Kasabay nito, nagbibigay-pugay rin tayo sa mga makabagong bayaniโ€”mga manggagawa, g**o, healthcare workers, magsasaka, mangingisda, OFW, rescue personnel, delivery riders, at technicians na patuloy na naglilingkod at nagsisikap para sa kanilang pamilya at bayan.

Mula sa ONE-KONEK, saludo kami sa bawat bayaning Pilipino! ๐Ÿ’™๐Ÿ’š

Mabuhay ang ating mga bayani! Mabuhay ang Pilipinas! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

โš ๏ธ TECHNICAL SERVICE ADVISORYMagandang araw, mga Ka-O-K! ๐Ÿ’™๐Ÿ’šDahil sa malalakas na buhos ng ulan dulot ng Habagat, high ti...
29/08/2026

โš ๏ธ TECHNICAL SERVICE ADVISORY

Magandang araw, mga Ka-O-K! ๐Ÿ’™๐Ÿ’š

Dahil sa malalakas na buhos ng ulan dulot ng Habagat, high tide, at pagbaba ng tubig mula sa matataas na lugar, nakararanas ng malalim na pagbaha ang karamihan sa mga barangay sa Hagonoy. Dahil dito, maaaring magkaroon ng delay sa aming technical at field services, lalo na sa mga lugar na mahirap o hindi ligtas madaanan.

Patuloy naming imo-monitor ang sitwasyon at agad na aasikasuhin ang mga pending technical service requests sa sandaling ligtas na para sa aming technical team.

๐Ÿ“Œ INTERNET SERVICE OUTAGE REFUND / PRORATION

Ang mga subscriber na nakaranas ng verified internet service outage ay maaaring mag-request ng billing adjustment o prorated service credit, alinsunod sa applicable policies at NTC Memorandum Circular No. 19-12-2004 โ€“ Service Performance Standards for Internet Access Services and Wired Telecommunications Services. Ang bawat request ay sasailalim sa verification batay sa aktuwal na outage at tagal ng service interruption.

Humihingi kami ng inyong pang-unawa at pasensya. Ang kaligtasan ng aming subscribers at technical personnel ang aming pangunahing prayoridad.

Mag-ingat at manatiling ligtas, mga Ka-O-K! ๐Ÿ’™๐Ÿ’š

โ€” ONE-KONEK Hagonoy

โš ๏ธ SERVICE ADVISORY โ€” FIBER CUTKasalukuyang nakararanas ng internet connection interruption ang ilang bahagi ng Tampok a...
11/08/2026

โš ๏ธ SERVICE ADVISORY โ€” FIBER CUT

Kasalukuyang nakararanas ng internet connection interruption ang ilang bahagi ng Tampok at San Isidro dahil sa naputol na fiber line.

Nagsasagawa na ng pagkukumpuni ang aming technical team. Gayunman, nagkakaroon po ng delay sa restoration dahil sa masamang panahon, mataas na tubig dulot ng high tide, at pagbaha sa ilang lugar.

Patuloy kaming kumikilos upang maibalik ang serbisyo sa lalong madaling panahon, habang isinasaalang-alang ang kaligtasan ng aming technical team.

Humihingi kami ng paumanhin sa abalang dulot nito. Magbibigay kami ng panibagong update kapag naibalik na ang koneksyon.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pasensya.

โ€” ONEโ€‘KONEK NETWORK
OK sa SPEED, OK sa PRESYO, at OK sa SERBISYO!

Address

Santa Elena
Hagonoy
3002

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ONE-KONEK posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to ONE-KONEK:

Share