21/04/2026
Mga KASANGGUNI!
Nahihirapan ba kayong magbalangkas ng inyong Panukalang Kautusan o Kapasiyahan para sa kapakanan ng inyong Kabarangay? Nandito kami para kayo'y tulungan sa pagbuo ng isang Malaman, Marunong, Sinaliksik at May Bigat na mga Kautusang Pambayan at Pambarangay.
Ang inanaalok namin na mga serbisyo ay ang mga sumusunod:
1. Pagsasagawa ng Lehislatibong Pananaliksik at Paggawa ng ulat kaugnay ng paksang inyong nais talakayin o mapag-usapan.
2.Pagtulong sa Sangguniang Barangay na mabalangkas ang kanilang mga kautusan sa pamamagitan ng STEP-BY-STEP na pamamaraan at pagpapaliwanag dito.
3. Pagsasagawa ng mga kaukulang Seminar at Pagsasanay para sa mga Sangguniang Kabataan at mga Kawani ng inyong Barangay.
4. Konsultasyon at pagbibigay ng rekomendasyon sa mga nabalangkas na kautusan ng inyong Sanggunian.
Para sa iba pang detalye. Maaari kayong magmessage dito sa aming FB Page.
Maraming Salamat po.