28/09/2025
📢 MAHALAGANG PAALALA 📢
Para sa aming mga mahal na kostumer,
Dahil sa patuloy na pagtaas ng gastusin sa operasyon at mga kagamitan, lahat ng water refilling stations sa Lungsod ng Ilagan ay magpapatupad ng dagdag-presyo simula Oktubre 1, 2025.
Ang pagtaas na ito ay kinakailangan upang mapanatili ang kalidad at kaligtasan ng tubig na aming inihahandog para sa inyo at sa inyong pamilya.
Lubos po naming pinahahalagahan ang inyong pang-unawa at patuloy na suporta. Asahan po ninyo na mananatili kaming tapat sa pagbibigay ng malinis, ligtas, at abot-kayang inuming tubig.
Samahan ng mga May-ari ng Water Refilling Station, Lungsod ng Ilagan