20/08/2026
๐ง๐ฎ๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐ป๐ถ ๐๐๐ฎ๐ป ๐ก๐ผ. ๐ฐ๐ฎ:
๐๐ฒ๐น๐น๐ผ, ๐๐๐ฅ! ๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐ ๐ธ๐ฒ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ฎ ๐ฟ๐ถ๐ป ๐บ๐ฎ๐ด-๐ณ๐ถ๐น๐ฒ ๐ธ๐ฎ๐ต๐ถ๐ ๐๐ฎ๐น๐ฎ ๐ฝ๐ผ ๐ฎ๐ธ๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ฒ๐?๐ฅบ๐ฆ๏ธ
๐๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐๐๐ฎ๐ป:
Kailangan mo pa ring mag-file dahil ang pag-file ng tax return ay patunay na ikaw ay sumusunod sa batas, kahit zero o walang business operation sa buwang ito. Hangga't aktibo ang iyong registration sa Bureau of Internal Revenue (BIR), obligado kang mag-ulat ng iyong business status kada takdang panahon.
Naiintindihan po namin na nakakapagtaka kung bakit kailangan pang mag-file ng tax return kung wala namang babayarang buwis.
Narito ang mga pangunahing dahilan kung bakit kailangan mo pa ring mag-file ng tax return kahit walang benta, kasama ang legal na batayan nito:
1. ๐ผ๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ฎ๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐-๐๐๐ก๐ ๐๐ฎ ๐๐ง๐ค๐ฉ๐๐ ๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ ๐จ๐ ๐ฝ๐๐ฉ๐๐จ
Ayon po sa ating Section 51 ng National Internal Revenue Code (Tax Code), ang lahat ng rehistradong negosyo o self-employed ay obligadong mag-file ng tax return "regardless of the amount of gross income" (may kita man o wala).
Ang iyong Certificate of Registration (BIR Form 2303 o COR) ay magsisilbing guide sa iyong tax obligations. Ipinapahiwatig nito na hangga't aktibo ang iyong rehistro, may pananagutan kang mag-ulat sa takdang panahon.
2. ๐๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฉ๐ ๐ฃ๐ ๐๐ฎ๐ค๐ฃ๐ ๐ข๐๐๐๐ก๐๐๐๐ฃ๐ ๐ง๐ค๐ก๐ ๐จ๐ ๐๐ค๐๐ฎ๐๐ง๐ฃ๐ค
Ang pag-file ng "Zero" ay ang iyong opisyal na boses para sabihin sa BIR na: "Gusto kong maging tapat, aktibo ang negosyo ko pero wala lang akong benta sa panahong ito."
Kung hindi po kayo mag-fa-file, hindi po malalaman ng BIR ang tunay ninyong sitwasyon.
3. ๐๐๐-๐๐ฌ๐๐จ ๐จ๐ "๐๐ฅ๐๐ฃ ๐พ๐๐จ๐๐จ" ๐๐ฉ ๐๐ช๐ก๐ฉ๐
Ayon naman sa Section 255 ng Tax Code, ang hindi pag-file ng form sa oras ay isang hiwalay na paglabag.
Ibig sabihin: Kahit โฑ0 ang buwis na dapat mong bayaran, ang hindi pagpasa ng form ay may compromise penalty na hindi bababa sa โฑ1,000 kada form.
Ang bawat nakaligtaang form ay nagiging "Open Case" sa system ng BIR. Magiging malaking abala at sakit ito sa ulo sa hinaharap, lalo na kung kukuha ka ng Tax Clearance o kung magpapasya ka ng isara na ang negosyo.
โPaano ngayon ito ipa-file?
Hindi mo na kailangang pumunta sa opisina ng BIR o sa bangko.
Maaari mo itong gawin online, gamit ang opisyal na online software ng pamahalaan na eBIRForms.
I-type lamang ang "0" sa bahagi ng sales, i-submit online, at itabi ang email confirmation bilang inyong katibayan.๐