ButadHyper Official

ButadHyper Official Intertaiment,

29/10/2022

Don’t miss the special coverage of the Worldwide Lingap Sa Mamamayan.

Monday
October 31, 2022
10:00 AM - 1:00 PM PHT
Watch it live on our YouTube Channel INC News And Updates, INCTV and Net 25.




https://youtu.be/NbO4o-CwyqA
22/10/2022

https://youtu.be/NbO4o-CwyqA

Ang paglilingkod at pagkilala sa Diyos ay isang katutubo o likas na pananagutan ng lahat ng mga tao sapagkat ito ang pangunahing layunin ng pagkakalalang sa ...

... " Rest in Peace, Nandiyan na sa HEAVEN ang iyong kaluluwa ngayon, Gabayan at bantayan mo kami sa araw-araw, kung saa...
18/10/2022

... " Rest in Peace, Nandiyan na sa HEAVEN ang iyong kaluluwa ngayon, Gabayan at bantayan mo kami sa araw-araw, kung saan ka man Ngayon Gabayan mo po kami... "

Ito ang paniniwala ng maraming tao kapag sila'y namatayan ng kamag-anak, kaibigan o mahal sa buhay. Para bagang ,yung kanilang mahal sa buhay ang talagang magbabantay sa kanila kapag ito'y namatay na dahil minsan ay nagpaparamdam daw ito o nagpapakita sa kanila, sa madaling sabi, nagmumulto sa kanila.

Totoo kaya na kapag namatay ang tao ay agad na pumupunta sa langit ang kaluluwa? Nagmamasid sa atin at binabantayan tayo araw-araw?

Hindi po yan totoo na nasa langit agad ang kaluluwa ng tao kapag namatay na!

Ang katunayan po nito ,kasamang namamatay ang KALULUWA ng isang tao kapag siya'y patay na👇

" Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin: ang KALULUWA na nagkakasala ay MAMAMATAY."[Ezekiel 18:4]

Hindi mapupunta sa langit agad-agad ang taong namatay ni ang kaniyang kaluluwa man, sapagka't kasamang namamatay ang KALULUWA ng tao at hindi po ito humihiwalay sa ating katawan.

Ngayon, ilan po ba ang sangkap ng tao ayon sa Biblia?👇

" At pakabanalin kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan; at ang inyong
👉 ESPIRITU at KALULUWA at KATAWAN 👈 ay ingatang buo, na walang kapintasan sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo."[1 Tes. 5:23]

Tatlo! Ayon sa Biblia, ang sangkap ng katawan ng tao,
1. Katawan✅
2. Kaluluwa✅
3. espiritu ✅

At itong katawan natin ay mula lamang sa alabok ng lupa 👇

" At ang alabok at mauuwi sa lupa gaya ng una, at ang diwa ay mababalik sa Dios na nagbigay sa kaniya." [Ecc. 12:7]

Alam mo ba yung kantang

" Magmula sa lupa, ay babalik na kusa " ?

Ngayon, maling-mali ang kanilang paniniwala o itinuro sa kanila na ang kaluluwa raw ay hindi namamatay, ang katotohanan, ang ating katawang laman, ay mula sa alabok ng lupa, at kapag tayo'y namatay ,kasama na ring madidikit sa alabok ng lupa ang ating kaluluwa👇

" Oo, dahil sa iyo ay pinapatay kami buong araw; kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan... Sapagkat ang aming
👉 KALULUWA ay nakasubsob sa ALABOK: ang aming KATAWAN a nadidikit sa lupa 👈[Awit 44:22, 25]

" Ang kaluluwa ko'y dumidikit sa alabok: buhayin mo ako ayon sa itong salita."[Awit 119:25]

Ang katawan ng tao ay nilikha ng Diyos mula sa alabok, at dahil sa ito ay yari sa alabok, ay sa alabok din lamang mauuwi kapag tayo'y pumanaw.

Samakatuwid, napaniwala ng mga huwad na tagapagturo sa kanilang relihiyon ang mga taong ang lubusang inalipin na ng bulok na aral ukol sa mangyayari pagka namatay ang tao.

Dahil sa ang katawan ng tao ay binubuo ng tatlong sangkap, at ang una at ikalawang sangkap ay parehong mamamatay, ano naman ang mangyayari sa ikatlong sangkap? -Sa ating espiritu?

Alin ba ang humihiwalay sa ating katawan o yung bumabalik sa Diyos? Yung kaluluwa ba natin?👇

" At ang alabok at mauuwi sa lupa gaya ng una,at ang 👉 DIWA 👈 ay magbabalik sa Dios na nagbigay sa kaniya" [Ecc. 12:7]

Ano yung 👉DIWA👈 na tinutukoy sa talata?👇

" Then shall the dust return to the earth as it was: and the
👉 SPIRIT 👈 shall return unto God who gave it."[ Ecc. 12:7, KJV]

Kung gayon, ang atin pong DIWA ay iyon din ang ating ESPIRITU na binabawi ng Diyos kapag tayo'y pumanaw na.

At isa pa, Bakit nga ba kasama ring namamatay ang ating kaluluwa ?👇

" At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng
👉 HININGA NG BUHAY 👈; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay."[Genesis 2:7]

Kaya, ito ang dahilan kung Bakit namamatay din ang kaluluwa sapagkat sa tatlong sangkap ng tao, Ang ating kaluluwa ang may taglay na buhay ,kaya natural na kapag namatay ang tao ,kasama ring namamatay ang kaniyang kaluluwa dahil ito lamang Ang may buhay sa tatlong sangkap.

Ano pa ang mangyayari kapag binawi na ng Diyos ang ating DIWA o ESPIRITU? 👇

" Ang hininga niya ay pumapanaw ,siya'y nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa; 👉 SA ARAW DING YAON AY MAWAWALA ANG KANIYANG PAGIISIP 👈."[Awit 146:4]

Kapag tayo ay namatay, wala na tayong alam pa sa mga nangyayari sa ibabaw ng lupa ,hindi na rin tayo makakabantay sa ating mahal sa buhay ,at hindi rin diretsong sa langit pupunta ang ating kaluluwa.[Ecc. 9:5-6]

Kung sakali na nagmumulto raw ang mga patay o namatay na , hindi rin po yan totoo dahil Wala na po silang alam at ang pagkamatay po ng tao ay inihalintulad lang din po sa taong natutulog lamang na walang anumang nalalaman sa kaniyang paligid.[Juan 11:11-14]🕎🇮🇪

👆👆

Briones Catacutan

CCTO

14/10/2022

"JEHOVA" Tama ba bilang pangalan ng Diyos?

Hindi lingid sa atin na may samahang pang relihiyon na gumagamit ng pangalang Jehovah para tukuyin ang di-umano’y tunay na Dios ng biblia.
Suriin po natin kung ang kanilang mga pagmamatuwid ay talaga nga pong naayon sa mga nakasulat sa biblia. Magpasimula po tayo, ating suriin, kung atin pong susuriin ang mga kasulatan ay ating masusumpungan na inihayag ng Dios ang Kanyang sarili sa Kaniyang bayan sa pamamagitan nga iba’t-ibang pangalan.

Sa Exodus 3:13-14 ay ating mababasa na nagpakilala Siyang “AKO NGA”

“ At sinabi ni Moises sa Dios, Narito, pagdating ko sa mga anak ni Israel, at sasabihin ko sa kanila, Sinugo ako sa inyo ng Dios ng inyong mga magulang; at sasabihin nila sa akin: Ano ang kaniyang pangalan? anong sasabihin ko sa kanila?
At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG AKO NGA; at kaniyang sinabi, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA”

Sa Isaias 57:15 ay atin naming mababasa na ang pangalan Niya ay “BANAL”

“ Sapagka't ganito ang sabi ng Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan, na ang pangalan ay Banal; Ako'y tumatahan sa mataas at banal na dako na kasama rin niya na may pagsisisi at pagpapakumbabang-loob, upang bumuhay ng loob ng nagpapakumbaba, at upang bumuhay ng puso ng nagsisisi.”

Dito naman po sa Exodo 34:14 ay sinasabi na ang pangalan ng Dios ay “ MAPANIBUGHUIN”

“ Sapagka't hindi ka sasamba sa ibang dios: sapagka't ang Panginoon na ang pangalan ay Mapanibughuin; ay mapanibughuin ngang Dios:”

Sa Isaias 63:16 ay sinasabi na ang pangalan ng Dios ay “ AMA”

“Sapagka't ikaw ay aming Ama, bagaman hindi kami kinilala ni Abraham, at hindi kami kilala ng Israel: ikaw, Oh Panginoon, ay aming Ama, aming Manunubos na mula sa walang pasimula ay siya mong pangalan.”

Dito naman sa Awit 68:4 ay sinasabi ng biblia na ang pangalan ng Dios ay “ Jah”

“Kayo'y magsiawit sa Dios, kayo'y magsiawit ng kapurihan sa kaniyang pangalan: ipaghanda ninyo ng maluwang na lansangan siya na nangangabayo sa mga ilang; ang kaniyang pangalan ay JAH; at mangagalak kayo sa harap niya.”

Maging sa Oseas 2:16 ay sinasabi din na ang Dios ay tatawaging “ ISHI”

“At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, na tatawagin mo akong Ishi, at hindi mo na ako tatawaging Baali.”

Ang mga ito at ang iba’t-ibang pangalan ng Dios na nakasulat sa biblia. Sa mga pangalang ito inihayag ng Dios ang Kaniyang sarili sa Kaniyang bayan. Siya ang Dios na nangangahulugang lakas o kapangyarihan. Sinasabi ng biblia na ang lupa ay natatag sa pamamagitan ng Kaniyang kapangyarihan (Jer.10:12). Siya ay tinatawag na Ama sapagkat sa Kaniya nagmula ang lahat ng bagay (1Cor.8:6) Siya’s tinatawag na Mapanibughuin, sapagkat hindi Siya pumapayag na maglingkod ang Kaniyang bayan sa ibang Dios(Exo.34:14-17).
Siya ay tatawaging ISHI na ang kahulugan ay “ aking asawa” upang ipakita ang kaugnayan Niya sa Kaniyang bayan. Ang Dios ay banal kaya marapat na Siya’y tawaging Banal (Lev.11:44).

Bukod sa iba’t-ibang pangalan ng Dios na atin nang nabanggit sa unahan nito, mayron pang pangalan ang Dios na hindi mabigkas, na masusumpungan sa mga kasulatang Hebreo. Ang mga dalubhasa sa biblia ay nagpapatotoo:

“…….Kung gayon ang lalong karaniwang pangalan para sa pagka-Dios, ay Dios, ang pagkakasalin ng orihinal na Elohim. Ang karaniwang salita para sa Maestro ay Panginoon, kumakatawan sa Adonai. Mayroon pang ibang pangalan na tanging ukol lamang sa Dios, bilang tangi at angkop na pangalan, yaon ay ang apat na letrang YHWH. Tingnan ang Exodo 3 at Isaias 42:8. Ang pangalang ito ay hindi mabigkas ng mga hudyo dahil sa paggalang sa pagkasagrado ng banal na pangalan". (New American Standard Bible, U.S.A. Collins World, p.ix).

Ayon sa mga dalubhasa sa biblia ang pangalan ng Dios na hindi mabigkas ng mga hudyo dahil sa labis na paggalang ay ang pangalan na nakasulat sa apat na letra –YHWH.
Sinasabi ng iba na ang bigkas sa apat na letrang ito ay Jehovah, kaya mayroong tagapagturo na nagsasabing Jehovah ang opisyal na pangalan ng Dios. Totoo po kaya naman ang kanilang pagtuturo na ito? Totoo kaya ang sinasabi ng ibang tagapagturo na ang personal na pangalan ng Dios ay Jehovah?
Mahalagang atin po’ng suriin, atin pong alamin kung sino ang unang gumamit ng at kung kalian unang ginamit ang salitang Jehovah.

Ang relihiyong ang tawag sa kanilang samahan ay “Saksi ni Jehovah” o “Jehovah’s Witness” na siyang malimit gumamit ng panglang “Jehovah” ang tanungin natin, kung sino at kung kalian unang ginamit ang pangalang Jehovah.
Sa kanilang opisyal na magasin, “ Ang Bantayan” inilathala noong agosto 1, 1980, ay ganito ang sinasabi sa pahina 10, ating tunghayan:

“ Kapuna-puna nga, si Raymundus Martini, isang mongheng kastila ng Ordeng Dominicano ang unang nagsalin ng “Jehovah” sa banal na pangalan. Ang anyong ito ay lumitaw sa kanyang aklat na Pugeo Fidei, na nalathala noong 1270 C.E. Mahigit na 700 taon na ngayon”

Pansinin po natin na kinikilala ng mga “ Saksi ni Jehovah” na ang pagkakasalin ng pangalang “Jehovah” ay nagmula lamang sa isang mongheng kastila na siRaymundus Martini. Siya ang unang gumamit ng salitang “Jehovah” sa kaniyang aklat na Pugeo Fidei noong 1270 CE. Maging ang mga dalubhasa sa biblia ay nagpapatunay na ang pangalang Jehovah ay nagsimula lamang noong edad medya:

“ The form ‘Jehovah’ is of late medieval origin” (The Bible Revised Standard Version, New York, Thomas Nelson and Sons, 1952, p.v)

Maging ang bantog na mananalaysay na si Webster sa kaniyang Ancient History ay nagpapahayag: “ This name Jehovah was never known to the Ancient Hebrew”

Pinatutunayan maging ng kasaysayan na sa matandang Hebreo (o Israel) ay hindi kilala ang pangalang “Jehovah”. Natural lamang na hindi kilala ng matandang Israel ang pangalang Jehovah sapagkat ito’y unang lumitaw noong edad medya.

Bakit sa ibang salin ng biblia ay nakasulat ang pangalang “Jehovah”?
Ang The Living Bible Encyclopedia in Story and Pictures vol.7,pp. 905-906 ay nagbigay liwanag sa ating katanungan:
“ Jehovah (je-ho’va), ang salitang English ng Hebreong tetragram na YHWH isa sa pangalan ng Dios. (Exodo 17:15) Ang original na bigkas nito ay hindi nababatid”

Samakatuwid, ang pangalang “Jehovah” ay hindi siyang original at hindi masusumpungan sa mga kasulatang Hebreo, kundi isang salin lamang ng tetragram. Ang salitang tetragrammaton ay nagmula sa wikang griego na tetra na ang kahulugan ay apat at gramma na nangangahulugang letra. Kaya ang kahulugan ng tetragrammaton ay ang apat na letra ng alpabetong Hebreo naYod-He-Vau-He katumbas ng YHWH o JHVH.

Pansinin natin na ang isa sa mga pangalan ng Dios na masusumpungan sa mga kasulatang Hebreo ay binubuo ng mga katining lamang at walang mga patinig kaya hindi matiyak ang tamang bigkas sa pangalang ito. Pansinin din na ang mga nagsalin lamang ang naglagay ng mga patinig at dahil sa di pagkakaisa ay lumabas ang iba’t-ibang anyo ng pangalan ng Dios.
Tunghayan natin sa Ellicott’s Commentary on the Bible, vol. I. . 177, sa pagkakaliwat sa wikang Pilipino, ganito an gating matutunghayan:

“ Ang baybay ng salitang Jehovah ay mapagtatalunan dahil sa ang mga katinig lamang(J,H,V,H) ang tiyak, ang mga patinig naman ay yaong nasa Adonai(Panginoon) na siyang ipinapalit ng mga Hudyo kapag ito ay binabasa sa mga sinagoga, na ang unang patinig ay isa lamang mahinang pamalit sa isang tunog, at binibigkas ang A O Ealinsunod sa uri ng katinig na pinagkakapitan nito. Ito’y karaniwang kinakatawan ngayon sa pamamagitan ng isang mahinang paghinga kaya – Y’hovah, ‘donai. Tungkol naman sa baybay ang iginigiit nina Ewald; Gasenius, at iba pa ay Yaveh;SiFursh ay Yehveh, o Yeheveh; at sina Steir, Meyer at kanilang kasamahan ayYehovah.”

Sa opisyal na magasin ng mga “Saksi ni Jehovah”, Ang Bantayan na inilathala noong Agosto 1, 1980, sa pahina 4-5 ganito naman ang kanilang patotoo:

“……. Ang pangalan ng Diyos sa mas matatandang manuskritong Hebreo ay nakasulat na YHWH o JHVH, at malimit na ang tawag sa mga titik na iyan ng mga komentarista sa Biblia ay ang “Tetragrammaton” , na ang ibig sabihin “apat na letra”. Sa paglipas ng daan-daang taon, nawala ang tamang bigkas sa pangalan ng Diyos sa Hebreo. Kung gayon, hindi matiyak kung anong patinig ng dalawang salitang Hebreo naA.do.nay (Panginoon) at El.o.him (Diyos) ay isinama sa Tetragrammaton at ang lumabas na bigkas ay Ye.ho.wah. Sa wakas sa anyong Latin, ito’y nagging “Jehovah”. Subalit, maraming iskolar na Hebreo ang nagsasabi na mas tama raw ang “Yahweh”. Ngunit para kay Rudolf Kittel, editor ng Biblia Hebraica, ang pagkakapuwesto niya ng mga patinig sa Tetragram na Hebreo ay “Yehwah” sa lahat ng kaniyang edisyon”

Pansinin po natin na nagbunga ng kaguluhan ng singitan ng mga patinig ang YHWH oJHVH. Lumitaw ang sari-saring pangalan, gaya ng “Jehovah” “Yehovah” “Yeheveh” “Yahweh” “Yahveh” “Yehveh” at “Yehwah”

Alin man sa mga ito ay hindi mapapanghawakan sapagkat nakasalig lamang sa mga pala-palagay.

“ Ngunit anong salita ang “wastong kumakatawan” sa banal na pangalan na Hebreo? Mas gusto ng iba ay “Yehwah” at ang iba ay Jeve at marami pang iba. Ang problema ay nasa pagsulat ng sinaunang Hebreo mga katinig lamang ang ginagamit at inaamin ng kahit na mga eksperto na mga pala-palagay lamang ang pinagbabatayan sa kung aling mga patinig ang bumubuo ng kumpletong banal na pangalan.” (Ibid., p.11)

Inaamin din ng mga “Saksi ni Jehovah” na alin man sa mga pangalang nabanggit ay hindi siyang binigkas ng Dios kay Moises.
Sa kanilang aklat na Hayaang Maging Tapat ang Dios, sa pahina 24 ay ganito po ang kanilang pahayag:

“ ………bagaman ang alin man sa mga ito ay hindi kaypala siyang pagbigkas ng Dios sa Kaniyang pangalan kay Moises”

Maging ang mga dalubhasa sa Biblia ay nagpapatotoo na ang pangalang “Jehovah” ay hindi tamang kumakatawan sa pangalan ng Dios sa Hebreo:

“…….. ang salitang “Jehovah” ay di wastong kumakatawan sa ano mang anyo ng Pangalan di ginamit sa Hebreo. (The Bible Revised Standard Version, p. v)

Ayon sa mga dalubhasa sa Biblia ang pangalang “Jehovah” “Yahweh” “Yehweh” at “Yehwah” ay nasasalig lamang ito sa mga pala-palagay at hindi mapapanghawakan. Kaya nga kung binabanggit o inilalathala sa Pasugo ang “ Mga Saksi ni Jehovah” ay nilalagyan ng panipi upang di maipagkamali kami ay sumasang-ayon sa kanilang pagiging “ saksi” at sa pangalang “Jehovah” na ito’y maliwanag na di sinasang-ayunan ng mga dalubhasa sa Biblia at lalo nan g Biblia mismo.

-Tunay Na Lingkod

Address

Bayan Luma 4
Imus
4103

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ButadHyper Official posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to ButadHyper Official:

Share