24/03/2022
Together We Can
Ilan sa mga nangyayari ngayon sa iyong buhay at trabaho ang hindi mo kayang gawin kung nag-iisa ka lamang? Sa palagay ko ay marami-rami din. Kaya mo bang i-juggle ang lahat ng responsibilidad mo sa trabaho, pamilya, simbahan at kung anu-ano pa kung wala ang tulong ng iba? Sa palagay ko ay hindi. Kaya huwag mong solohin ang trabaho. Huwag mo ring solohin ang problema. Tandaan mo, great things happen when people work together.
Ang Burj Khalifa sa Dubai ay kinikilalang pinakamataas na skyscraper sa mundo. Ito ay may taas na 2722 ft. Sa iyong pag-akyat sa viewing deck ng Burj Khalifa ay makikita mo ang tribute sa mga taong gumawa ng sama-sama upang maitayo ang architectural masterpiece na ito. Mga professionals at manggagawa mula sa iba't-ibang bansa na may iba't-ibang kakayahan ang nagbuhos ng kanilang oras, lakas at talento para maitayo ang isang istraktura na imposibleng gawin ng iisang tao lamang. A great vision and a great dream is not meant to be achieved alone. Kailangan natin ang isa't-isa. Kailangan nating magka-isa.
What are the benefits of working together?
1) Heavy burdens become light. Ang mabigat na pasanin ay gumagaan kung marami kayong bubuhat nito. Habang lumalaki ang isang organisasyon mas lalo itong bumibigat at humihirap patakbuhin. Nang makita ng biyenan ni Moses na si Jethro na masyado ng mabigat ang responsibilidad nito at kahit ang maliliit na alitan ay sa kanya pa rin inilalapit ng mga tao, pinayuhan niya ang kanyang manugang na baguhin ang leadership style nito. He advised Moses to identify capable men and delegate some of his responsibilities to them. Hindi nababawasan ang value mo sa kumpanya kapag marunong kang magdelegate ng tungkulin sa iba. When you empower other people, you make your business more sustainable. Kung masyado kang nabibigatan sa mga responsibilidad mo ngayon, baka naman dahil sinosolo mo ito. Allow others to carry the burden with you.
2) What seems impossible becomes possible. Ang tila impossible ay nagiging possible kung mayroon tayong mga katuwang. Isipin mo na lang halimbawa ang bayanihan. Kaya ba ng isang taong magbuhat ng isang bahay. Siyempre hindi. Pero dahil marami ang bumuhat at tumulong, nagiging posible ang lipat bahay dahil sa pagbabayanihan. Do not let the hugeness of your dream stop you from accomplishing it. Possible mong maabot iyan sa tulong ng Diyos at ng ibang tao.
3) Work with a common vision. Hindi sapat na mayroon kang kasama sa trabaho. Minsan nga ang dami-dami ninyong gumagawa pero parang hindi nyo pa rin maabot ang goals ninyo. We need to work with a common vision. Kung tayo ay kanya-kanya, kahit marami tayo, wala pa rin tayong magagawa. You will be pulling each other in different directions. Mag-aaway at magkakapaguran lamang kayo ng wala kayong nararating.
Ang sabi sa Psalm 133:1, "How good and how pleasant it is when God's people live together in unity!" Kapag tayo ay gumagawa at nagtatrabaho ng may iisang pangitain at pangarap, ang mabigat ay gumagaan at ang tila impossible ay nagiging possible.
By Maloi Malibiran-Salumbides, partner sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
Source: PROTIPS - March 23, 2022
HAPPY BLESSED THURSDAY TO ALL!