15/05/2026
MGA LUGAR SA CAVITE, POSIBLENG MAKARANAS NG BIGLAANG BROWNOUT NGAYONG GABI, MAY 15, 2026
Pinaghahanda ang mga residente sa ilang bayan at lungsod sa Cavite sa posibleng biglaang pagkawala ng kuryente ngayong Mayo 15, 2026 matapos ideklara ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Red Alert Status sa Luzon Grid dahil sa kakulangan sa suplay ng kuryente.
Ayon sa abiso, maaaring magsagawa ng hanggang pitong (7) tentative Manual Load Droging (MLD) events o pansamantalang power interruption sa iba’t ibang lugar sa lalawigan.
Kabilang sa mga maaapektuhan ay ilang barangay sa mga sumusunod na lugar:
• Amadeo
• Bacoor City
• Carmona City
• Dasmariñas City
• General Trias City
• Imus City
• Kawit
• Tanza
• Trece Martires City
Ilan sa mga posibleng maapektuhan ay ang mga barangay sa Molino at Bacoor Proper sa Bacoor City, mga barangay sa Anabu, Bayan Luma, Bucandala, Buhay na Tubig at Tanzang Luma sa Imus City, gayundin ang ilang lugar sa Dasmariñas, General Trias, Carmona, Tanza at Trece Martires.
Pinapayuhan ang publiko na maghanda ng emergency lights, power banks, sapat na tubig, at siguraduhing naka-charge ang mahahalagang communication devices sakaling ipatupad ang rotational brownout.
Patuloy namang mino-monitor ng mga kinauukulan ang sitwasyon ng suplay ng kuryente sa Luzon Grid.
Source: https://company.meralco.com.ph/news-and-advisories/yellow-and-red-alert-locations?fbclid=IwY2xjawRz3A9leHRuA2FlbQIxMABicmlkETFnQ3JTZHVUUEZ5WmpGVmFVc3J0YwZhcHBfaWQQMjIyMDM5MTc4ODIwMDg5MgABHpwu1cR20pUQORyyK5Fo2C7JUiAJ0x0_3Yn187re7Kgpavt0M_WWm81qYNX7_aem_zvLlHTkpiLFM5cofNoJqHA