28/08/2026
Ang Baseco Fire and Rescue Volunteer Association Inc. ay nagpapasalamat sa pagkakataong makadalo ang aming Brigade Secretary sa isinagawang “Kamustahan & Short Meeting with Our Fire Volunteers” ng Bureau of Fire Protection – Paco Fire Sub-Station, Manila Fire District, NCR.
Sa pangunguna nina FCSUPT ROY RODERICK P. AGUTO, DSC, Regional Director, NCR, at FSSUPT EDDIE W. TANAWAN, District Fire Marshal, sa superbisyon ni FSINSP ADRIAN L. SARTO, at sa pangunguna ni FINSP ANNABELLE C. PADILLA, Sub-Station Commander.
Higit pa sa isang simpleng meeting, ang pagtitipon na ito ay pagkakataon upang magkamustahan, magbahagi ng karanasan, mapalakas ang samahan, at higit sa lahat ay mapagtibay ang pagkakaisa ng mga volunteer firefighters.
Bilang mga volunteer na laging handang tumugon sa oras ng pangangailangan, mahalaga ang pagkakaroon ng magandang ugnayan at koordinasyon sa pagitan ng BFP at mga Fire Volunteer Organizations upang mas maging handa at epektibo sa paglilingkod sa komunidad.
Maraming salamat po sa BFP Paco Fire Sub-Station sa mainit na pagtanggap at sa patuloy na pagkilala at suporta sa aming mga volunteer.
ONE TEAM. ONE FAMILY. ONE MISSION — TO SERVE AND PROTECT.
BASECO FIRE AND RESCUE VOLUNTEER ASSOCIATION INC.
Always Ready. Always Serving. Always Responding.