27/09/2023
MGA BENEPISYO NG PAG-INOM NG SABAW NG BUKO
1. Mas malakas na Immune System – Ang pang araw-araw na paginom ng coconut water ay napatunayang mayroong kakayanang palakasin ang immune system.
2. Maayos na Digestive System – Ang coconut water ay mainam sa digestive system sa kadahilanang naibibigay nito ang pang araw-araw na pangangailangan sa fiber. Hindi palagiang madali ang pagkakaroon ng tamang rami ng fiber sa katawan.
3. Papayat ka – Kapag palagian ang paginom ng coconut water sa loob ng isang linggo, mapapansin mo ang pagbawas ng iyong timbang. Ang resultang ito ay dahil sa mababa sa fat ang coconut water, nararamdaman ng katawan mo ang pagkabusog at hindi naisasalang-alang ang kalusugan. Mababawasan ang kagustuhan mong kumain dahil sa pagkawalang gana.
4. Pumupuksa sa sakit ng ulo – Kung ikaw ay may iniindang sakit ng ulo, alam mo na minsan sobrang lala ng sakit. Ang coconut water ay maaaring maging daan upang maayos mong mahydrate ang iyong sarili na syang pumipigil sa pagkakaroon ng sakit ng ulo araw-araw.
5. Mas magandang balat – Ang isang tasa ng coconut water ay magsisiguro na ang iyong balat ay mas maganda dahil sa mainam itong mang-hydrate. Ang balat ay ang pinakamalaking organ ng katawan, kapag hindi ito hydrated agarang makikita ang masamang kondisyon ng balat. Kung aaraw-arawing ang paginom, mapapansin ang mga pinagkaiba.
6. Mas energetic – Ang coconut water ay nakabubuti para sa thyroid gland hormones, ito ay ang nagbibigay ng enerhiya sa ating katawan. Pagkatapos ng isang linggo na umiinom ng coconut water, mas mararamdaman moa ng pagiging maliksi at malakas sa iyongmga gawain.
7. Mas bumata –Kung ikaw ay pagod na sa pagkain ng carrots sa pag-asang gumanda ang iyong paningin, maaaring coconut water na ang sagot sa iyong mga hinaing. Ito ay mayroong kakayanang gamutin ang mga sakit tulad ng glaucoma at katarata.