05/10/2026
Heartfelt thanks to the National Commission for Culture and the Arts (NCCA) and the 2026 Haligi ng Dangal Awards for honoring Kilyawan Farm Resort in Ibaan, Batangas, as the Architecture Honoree in the Professional Category. We are deeply grateful for this recognition.
Taos-pusong pasasalamat sa Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA) at sa 2026 Haligi ng Dangal Awards para sa pagbib**ay-pugay sa Kilyawan Farm Resort sa Ibaan, Batangas, bilang Architecture Honoree sa Propesyonal na Kategorya. Lubos kaming nagpapasalamat para sa pagkilalang ito.
Maraming mga proyekto sa arkitektura ang may masusing konsiderasyon sa epekto ng bubuuing istruktura sa kapaligiran at sa mga gagamit nito. Ngayong taon, ipinakita ng ๐๐ถ๐น๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ฎ๐ฟ๐บ ๐ฅ๐ฒ๐๐ผ๐ฟ๐ kung bakit sila namumukod-tangi bilang ๐๐ฟ๐ฐ๐ต๐ถ๐๐ฒ๐ฐ๐๐๐ฟ๐ฒ ๐๐ผ๐ป๐ผ๐ฟ๐ฒ๐ฒ - ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ณ๐ฒ๐๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ฎ๐๐ฒ๐ด๐ผ๐ฟ๐.
Ang Kilyawan Farm Resort, na idinisenyo ni Ar. Dominic Galicia at natapos noong taong 2023, ay isang proyektong hospitality, agriturismo, at adaptive reuse na matatagpuan sa bayan ng Ibaan, sa lalawigan ng Batangas. Ang 690 sqm Cabins Building at 580 sqm Reception Building ng resort ay itinayo gamit ang orihinal na sakop at pundasyon ng dalawa sa walong lumang bahay-manukan ng isang dating agro-industrial complex na minsang kumupkop ng higit 55,000 manok. Sa halip na tuluyang gibain, isinakatuparan ng mga may-ari ang pangarap na magb**ay ng tunay na karanasan sa bukid para sa mga taga-lungsod at maghatid ng kabuhayan sa lokal na komunidad.
Binigyang-halaga ng proyekto ang pagpapanatili sa alaala ng dating bahay-manukan sa pamamagitan ng paggamit ng mga materyales na matatagpuan sa mismong lugar. Muling inayos ang mga orihinal na triangular steel truss na ginamit bilang mga haligi at b**a ng bubong na bahagyang binalutan ng kawayan. Ang mga dingding ng cabin ay gawa sa kawayan at recycled wood na nilagyan ng matataas na jalousie window. Sa tulong ng puting bubong na yero, makakapal na masonry wall, at mga materyales na may natural na porosidad, napanatili ang malawak na cross-ventilation na nagpapanatiling malamig sa dalawang gusali nang hindi umaasa lamang sa artipisyal na pagpapalamig.
Bukod sa mga katangiang ekolohikal, maka-agaw pansin ang malalim na ugnayan ng proyekto sa kultura at kalikasan. Isinunod ang pangalan nito sa "Kilyawan" o black-naped oriole sa Ingles, isang uri ng ibon na nakatagpo ng kanlungan sa 8.5-ektaryang farm resort na ito. Makikita rin ang malikhaing paggamit ng mga gawang-kamay na clay bricks mula sa San Juan na inayos nang kahawig ng paghahabi, pati na rin ang mga kisameng nilatagan ng banig na nilikha ng mga kababaihang manghahabi mula sa isang isla sa Batangas.
Masasaksihan ang opisyal na paggawad ng parangal sa Kilyawan Farm Resort at kay Ar. Dominic Galicia sa darating na ika-3 ng Oktubre 2026, ganap na ika-6:00 ng gabi, sa Costa Palawan Resort, Puerto Princesa City, Palawan.