15/04/2025
Testimony ni Sandra – Isang Anak na Naghahanap ng Katotohanan.
Ako po si Sandra, at matagal ko nang katanungan kung sino ang aking tunay na ama. Lumaki akong may pangungulila at maraming gabing umiiyak, dahil hindi ko alam kung sino ang kalahati ng aking pagkatao.
Madalas ko itong itanong sa aking ina, ngunit palagi niya itong iniiwasan. Ayaw niya raw akong mawalay sa kanya—baka kunin ako ng aking ama. Ngunit sa aking paglaki, lalo akong naghanap ng kasagutan. Hanggang sa isang araw, sa awa ng Panginoon, naglakas-loob akong muling tanungin ang aking ina. Doon niya sa wakas sinabi sa akin kung sino ang aking ama—isang negosyante at may-ari ng malaking bigasan, at buhay pa.
Binigay ng nanay ko ang address ng aking ama, at agad ko siyang pinuntahan. Nang kami'y magkita, ipinakilala ko ang aking sarili bilang anak ni Florrita mula sa Argao, Cebu. Agad niyang naalala ang aking ina. Mahaba ang naging pag-uusap namin—napuno ng emosyon, pagbabalik-tanaw, at pag-amin.
Lumipas ang mga linggo at naging madalas ang komunikasyon namin. Unti-unting natanggap ako ng kanyang pamilya, pero dumating din ang panahon ng pagsubok. Nagkaroon ng pagtatalo—ang ibang miyembro ng pamilya ng aking ama ay nagdududa. Ayon sa kanila, wala akong sapat na patunay na ako nga ay anak ng kanilang ama. Dahil dito, naantala rin ang suporta para sa aking pag-aaral.
Isang araw, may kaibigan akong nag-rekomenda sa CebuGen DNA Solutions para magpa-DNA test. Agad akong nagpunta, at mababait at maasikaso ang kanilang staff. Tinulungan nila akong makipag-ayos sa panig ng pamilya ng aking ama para maset ang araw ng test.
Sa bahay ng aking ama ginawa ang DNA swab collection. Lahat kami ay kabado ngunit umaasa. Pagkatapos ng dalawang linggo, dumating ang resulta mula sa DDC DNA Lab sa Ohio, USA. Nang matanggap namin ang email, napaiyak ako. Ang resulta: 99.99999999% – siya nga ang tunay kong ama.
May mga natuwa, may ilan ding nasaktan, ngunit ang mahalaga ay lumabas ang katotohanan.
Ngayon, ako'y patuloy na nag-aaral ng Business Administration sa isang unibersidad sa Cebu City. Naninirahan ako kasama ang aking ina, ngunit ngayon ay may suporta na rin mula sa pamilya ng aking ama. Tinanggap nila ako at tinutulungan sa aking mga pangangailangan.
Lubos po akong nagpapasalamat sa CebuGen DNA Solutions. Kayo ang naging daan upang mabuo ang kulang sa aking pagkatao.
Salamat sa Panginoon sa pagbigay ng lakas ng loob at
pagkakataong ito.
Maraming Salamat at Mabuhay ang CebuGen DNA Solutions!
— Sandra