05/07/2026
Nauunawaan po namin na marami sa ating mga miyembro ang naghihintay sa processing ng kanilang SAFE Loan applications.
Dahil sa napakalaking bilang ng applications na aming natanggap nitong mga nakaraang araw, mas mahaba po sa karaniwan ang oras na kailangan upang masuri ang bawat aplikasyon. Nais po naming tiyakin na ang lahat ng applications ay dumaraan sa maayos at tamang beripikasyon upang maprotektahan ang kapakanan ng ating mga miyembro.
Upang mapabilis ang pagproseso, nadagdagan na po namin ang mga personnel na nag-eevaluate ng SAFE Loan applications at pinalawig ang oras ng operasyon ng aming processing teams hanggang night shift. Layunin naming mas maraming applications ang maproseso at mas maagang maipalabas ang loan proceeds ng mga qualified applicants.
Makakaasa rin po kayo ng regular SMS updates tungkol sa status ng inyong application. Maaari rin ninyo itong i-check anumang oras, 24/7, sa Virtual Pag-IBIG.
Rest assured na ginagawa po namin ang lahat upang maiproseso ang bawat aplikasyon sa lalong madaling panahon.
Maraming salamat po sa inyong pasensya, pang-unawa, at patuloy na pagtitiwala sa Pag-IBIG Fund.