12/08/2026
Serbisyo at Malasakit para sa Barangay Elias Aldana
Sa gitna ng epekto ng nagdaang bagyo, hindi natin nakalimutan ang ating mga kababayan na pansamantalang nananatili sa evacuation center.
Nagpaabot ng tulong at suporta sina Mayor April Aguilar at congressman Mark anthony santos para sa ating mga kababayan sa Brgy. Elias Aldana na naapektuhan ng bagyo. Ang simpleng pagdamay at pagtulong sa panahon ng pangangailangan ay malaking bagay para sa mga pamilyang dumadaan sa ganitong sitwasyon.
Kasama rin sa pag-abot ng tulong ang ating SK Chairwoman Aspirant Hannahrie Silva kasama ang kanyang mga SK Kagawad Aspirants, na patuloy na nakikiisa sa mga community efforts at handang tumulong kung saan kinakailangan.
Sa panahon ng sakuna, mas mahalaga ang presence, compassion, at willingness to serve. Hindi lang ito tungkol sa posisyon it's about being there for the people when they need help the most. 💙
Bayanihan, malasakit, at serbisyo para sa ating mga kababayan.
Patuloy tayong magtulungan at magmalasakit sa isa't isa. 🙏🇵🇭