27/07/2026
☀️ Bakit mahalaga ang Bifacial Solar Panel?
Maraming nakakarinig ng salitang bifacial pero hindi lahat alam kung ano talaga ang benepisyo nito.
Ang bifacial panel ay gumagawa ng kuryente gamit ang harap at likod ng panel. Ang harap ang pangunahing source ng power, habang ang likod ay kumukuha ng liwanag na nare-reflect mula sa lupa o sa paligid.
Pero ito ang totoo…
✅ Kung ang panel ay naka-install sa puting bubong, concrete, o open ground na maraming nare-reflect na liwanag, maaari kang makakuha ng karagdagang energy production kumpara sa ordinaryong panel.
✅ Kung dark-colored ang bubong o dikit na dikit ang panel sa yero, maliit lang ang makukuhang dagdag dahil kaunti ang liwanag na umaabot sa likod.
Ibig sabihin, hindi magic ang bifacial. Depende pa rin ang dagdag na produksyon sa tamang installation at sa kondisyon ng paligid.
Kaya mahalaga ang pagpili ng dekalidad na panel.
Ang Luxen N-Type Bifacial ay BloombergNEF Tier 1 rated, gumagamit ng latest N-Type cell technology, at handang magbigay ng mas mataas na energy yield kapag tama ang pagkaka-install.
Sa solar, hindi lang wattage ang mahalaga. Mas importante kung gaano karaming totoong enerhiya ang maibibigay ng panel sa loob ng maraming taon.
Kung gusto mong malaman kung sulit ba ang bifacial para sa bahay, negosyo, o solar project mo, message lang kami. Tutulungan ka naming pumili ng setup na akma sa actual na paggamit, hindi sa marketing claims lang.