22/09/2025
NAKIKISA at TUMITINDIG ang Jiayou Shop laban sa KATIWALIAN at KORUPSYON ng gobyerno, na siyang pinakamalaking hadlang sa pag-unlad ng Pilipinas.
Milyon-milyong salapi ang WALANG HIYANG ninanakaw at nilulustay, habang ang bawat pangarap, oportunidad, at pribilehiyo ng mamamayang Pilipino ay patuloy na ninanakawan ng kinabukasan.
Mula sa kendi na binibili, pamasahe na binabayaran, hanggang sa bawat bakas ng mapang-aping sistema, tayo ang tunay na nagsasakripisyo.
Tumindig! Makibaka! Ipaglaban ang boses ng masa, sapagkat mas makapangyarihan ang TAONG-BAYAN kaysa sa mga taong nasa kapangyarihan.