04/02/2026
ππππ’π₯π’π¬ π§π ππ§π π§ππ π¦ππππ«π’π§π π«ππ π’π¬ππ«πππ’π¨π§!
Sa direktiba ng Pangulo na pabilisin at palawakin ang Net-Metering Program, pinabilis na ang serbisyo para sa mga Pilipinong nais gumamit ng sariling renewable energy. Sa pangunguna ng Department of Energy (DOE) at sa pamamagitan ng whole-of-government approach kasama ang DILG, DPWH, at ERC, pinaiikli ang proseso ng permits, pinapasimple ang mga requirements, at pinapalawak ang benepisyo para sa mga konsyumer.
Sa ilalim ng Joint Memorandum Circular, inatasan ang mga LGU na maglabas ng ππ₯ππππ«π’πππ₯ π©ππ«π¦π’ππ¬ π¬π π₯π¨π¨π π₯ππ¦ππ§π π§π ππππ₯π¨π§π ππ«ππ° ππ πππ«ππ’ππ’ππππ π¨π π
π’π§ππ₯ ππ₯ππππ«π’πππ₯ ππ§π¬π©ππππ’π¨π§ π¬π π₯π¨π¨π π§π π©π’ππ¨π§π ππ«ππ°. Kapag hindi nakasunod sa itinakdang panahon, ituturing na βdeemed approvedβ ang aplikasyon. Inutusan rin ng ERC ang mga distribution utilities na bawasan at i-standardize ang dokumentong hinihingi, kabilang ang pagtanggap ng electronic signatures at hindi na kinakailangang notarization.
Bilang dagdag na tugon sa panawagan ng Pangulo, naglabas ang DOE ng Supplemental Policy na mas nagpapalakas sa benepisyo ng net-metering: mananatili na sa end-users ang Renewable Energy Certificates na maaari nilang ipagbili, at maaari na ring pagsamahin ang net-metering credits ng maraming accounts para mas malaki ang matipid.
Basahin dito: https://doe.gov.ph/articles/3281199--doe-whole-of-government-push-speeds-up-net-metering-permits-approvals-and-benefits