09/11/2025
KEEP SAFE EVERYONE. 🙏
Alisto Lipeño sa parating na Typhoon UWAN!
Bagamat hindi tutumbukin ang lalawigan ng Batangas, inaasahan pa din ang malakas na pag-ulan dahil sa lakas nito.
Mga Dapat Gawin:
🌧️ Bago Bumagyo:
•I-monitor ang balita mula sa PAGASA at lokal na pamahalaan.
•Ihanda ang Alisto Kit: tubig, pagkain, flashlight, baterya, gamot, ID, at cash.
•Siguraduhin ang kaligtasan ng bahay: Alisin ang mga bagay na maaaring liparin ng hangin.
•I-charge ang cellphone at power banks.
•Makipag-ugnayan sa barangay para sa evacuation plans.
🌪️ Habang Bumabagyo
•Manatili sa loob ng bahay o ligtas na evacuation center.
•Iwasan ang paglalakad o pagmamaneho sa baha.
•Huwag lumapit sa mga poste o puno na maaaring bumagsak.
•Makinig sa radyo o official social media para sa updates.
☀️ Pagkatapos ng Bagyo
•Huwag agad lumabas hangga’t walang abiso ng kaligtasan.
•I-report ang mga nasirang kuryente, tubig, o daan sa awtoridad.
•Makipagkamustahan sa kapitbahay at tumulong kung kinakailangan.
Kaalinsabay ng mga paalala ni Mayor Eric Africa ay ang panawagan sa pagkakaisa, malasakit, at kahandaan.
Sama-sama tayong ligtas!