10/03/2025
https://www.facebook.com/share/18udkwhjJ7/
FREE SPAY AND CASTRATION PARA SA MGA ALAGANG A*O AT PUSA
Muling inihahandog ng Pamahalaang Bayan ng Los Baรฑos sa pangunguna ni Kgg. Punumbayan Anthony F. Genuino, sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor at sa pakikipagtulungan sa Tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo, Biyaya Animal Care, Unahco, at ng Universal Robina Corp. - Topbreed ang FREE SPAY AND CASTRATION PARA SA A*O AT PUSA sa darating na Marso 27, 2025; 7:00 ng umaga na gaganapin sa Activity Area, Municipal Hall, Brgy. Timugan Los Baรฑos, Laguna.
Mayroong pre-registration para sa unang 200 alagang a*o at pusa. Ang pagpapalista ay magsisimula sa Marso 17; 8:00 ng umaga at limitado lamang po sa DALAWANG alaga kada SAMBAHAYAN (2 PETS/HOUSEHOLD). Maaaring magpunta sa aming tanggapan o tumawag sa numero (049) 531-7849 at hanapin si Andrei, Jasteen, Fidel o Toffi. Makakatanggap po kayo ng text message ng kumpirmasyon ng inyong registration at oras/schedule ng inyong pagpunta. Ang programa pong ito ay para lamang sa mga mamamayan ng Los Baรฑos.
Maraming Salamat po!
MGA DAPAT TANDAAN KUNG MAGPAPAKAPON/ MAGPAPALIGATE NG A*O AT PUSA/ PAG-AALAGA BAGO ANG OPERASYON
โข Ang alagang a*o o pusa ay dapat hindi bababa sa anim (6) na buwang gulang upang mapakapon/ maligate. Ang alaga ay maaring i-ligate dalawang (2) buwan matapos manganak.
โข Ang mga pusa ay maaaring kapunin/ligate kahit sila ay in-heat. Samantala, ang mga a*o ay hindi maaring kapunin/ligate habang in-heat, kailangang matapos muna ito bago kumuha ng schedule.
โข Nirerekomenda ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor na ipa-blood test ang inyong alaga isang (1) linggo bago ang schedule ng pagkapon/pagligate.
โข Ang bawat alagang pusa ay dapat may sariling carrier o kulungan. Lagyan din ng pangalan ng alaga ang carrier o kulungan.
โข Lahat ng alagang a*o ay dapat nakatali o may leash.
โข Ang alagang a*o ay hindi dapat pakainin o painumin mula alas 10:00 ng gabi sa araw BAGO ang kanilang nakatakdang pagpapakapon.
โข Ang lahat ng alaga ay kailangang nasa magandang kalusugan. Kung ang alaga ay nagpapakita ng mga senyales ng sakit tulad ng ubo, sipon, pagluluha ng mata o pagtatae, hindi maaring ituloy ang
pagkakapon/paliligate.
โข Magdala ng pamunas at p**p bag upang masigurong mapanatiling malinis ang activity area.