08/01/2023
Bakit nagstop si Retailer?
Si Dealer ba ang dapat sisihin?
Scenario 1.
Dealer: bakit ka nagstop mag-eloading?
Retailer: si Dealer kasi, ayaw magpautang ng load.
Dealer: ah ganun ba? Naggrogrocery kaba?
Retailer: oo. Lagi nga e.
Dealer: nauutang mo ba yun mga groceries?
Retailer: hindi naman.
Dealer: yun! Ganun din si dealer. Hindi sya nakakautang kay MS ng load. Lagi payment first. Dapat bago ka nagpaactivate as a retailer.. inintindi mo muna ang pinapasok mong negosyo. Kailangan mo mamuhunan. At yun puhunan na yun ang papalaguin mo sa pamamagitan ng tubo mo.
Scenario 2.
Dealer: bakit ka nagstop mag-eloading?
R: si dealer kasi, gusto lagi payments first. Hindi ka loloadan kung hndi ka magsesend ng reciept of payments. Ang layo ng padalahan. May charges pa.
Dealer: bakit si dealer, nagagawan naman nya ng paraan makapagpaload kay MS. Payment first din naman sya kay MS. Ang dami MODE OF PAYMENTS na free of charge.
Scenario 3.
Dealer: bakit nagstop kana mag-eloading?
R: kasi sa una lang mabait si dealer. Nun una, isang chat lang loloadan nako agad. Kaso tumatagal.. nagiging madamot naman na sya. Ayaw na ko loadan.
D: tinanung mu ba sya bakit ganun na sya?
R: hindi nga e, kaya nagstop nlng ako mageloading.
D: dapat inalam mo, pwede kasing nun una nagtiwala sya sayo na load first b4 payments kaso ikaw abusado, kailangan ka pa iremind na may utang kang load. Pwedeng nagpapaikot lang sya ng puhunan. Madami syang sinusuplayan ng load, hndi ganun kalaki ang puhunan nya kaya inaasahan nya din ang payments first mo.
Sinu ang may mali?
Iilan lang yan, sa mga hindrance.
Kaway kaway sa mga nakaranas neto?๐๐๐๐
PS: Hindi ako Madamot! Mas lalong hindi ako Scammer! Mahirap paikotin ang pundo kapag puro advance load.. salamat sa nakakaunawa๐๐