27/08/2026
๐ฆ๐๐ฆ๐จ ๐ฎ๐ ๐จ๐ฃ ๐ฉ๐ถ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฐ๐ต๐ป๐ผ๐น๐ผ๐ด๐ ๐ฎ๐ฑ๐ผ๐ฝ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฎ๐ ๐ฐ๐ผ๐น๐น๐ฎ๐ฏ๐ผ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐๐๐ต๐ฟ๐ผ๐ผ๐บ ๐๐ฒ๐ฐ๐ต๐ป๐ผ๐น๐ผ๐ด๐ถ๐ฒ๐
Upang tukuyin ang mga oportunidad para sa technology adoption, collaboration, at enterprise development, nagsagawa ng exploratory meeting ang Southern Luzon State University (SLSU) at University of the Philippines Visayas (UPV) noong Agosto 27, 2026, sa pamamagitan ng Zoom. Sa talakayan, ibinahagi ng SLSU ang mga mushroom-related technologies nito at tinalakay ang posibilidad ng technology adoption at co-incubation bilang suporta sa mga migrant returnees at family associations na layong mahubog bilang sustainable micro-entrepreneurs.
Ang pagpupulong ay isinagawa sa pamamagitan ng SLSU Innovation & Technology Support Services Office (ITSSO) at SLSU TBI (Technology Business Incubator), sa pangunguna ni Dr. Jennifer Edytha J. Lagrazon, Center Chief/Manager ng SLSU TBI, kasama ang mga staff ng ITSSO at TBI. Kinatawan naman ang UPV ng Technology Transfer and Business Development Office (TTBDO) at Fisheries Technology Business Incubator (FTBI), kabilang si Ms. Ferelyn F. Oliva, ITSO Manager ng UPV TTBDO.
Ibinahagi ng SLSU ang ilan sa mga Food at Non-Food Technologies nito na may kaugnayan sa mushroom technologies, kabilang ang Mushroom Chili Garlic Sauce, Mushroom Oatmeal Cookies, Mushroom Paste Candy, Regulated Water Misting System for Oyster Mushroom Production Area, at ang Notification System Device for Harvesting By-Products of Stingless Bees, na kabilang sa mga teknolohiyang may IP registrations at ongoing IP applications.
Mahalagang bahagi rin ng talakayan ang posibilidad ng co-incubation sa pagitan ng SLSU TBI at UPV FTBI, lalo na sa pagsuporta sa mga migrant returnees at family associations sa Visayas tungo sa kanilang pag-transform bilang sustainable micro-entrepreneurs. Sa pamamagitan nito, maaaring mapag-ugnay ang mga teknolohiya, incubation programs, at expertise ng dalawang institusyon upang makapagbigay ng mas malawak na suporta sa mga potensyal na technology adopters at entrepreneurs.
Inaasahang magkakaroon pa ng panibagong pagpupulong kasama ang federation ng mga OFW sa Visayas upang higit pang talakayin ang mga posibilidad para sa inter-institutional partnership, technology adoption, at incubation collaboration.
Sa pamamagitan ng nasabing engagement, patuloy na pinalalawak ng ITSSO at TBI ang mga oportunidad para sa technology transfer, adoption, at strategic collaboration, na naglalayong magbigay ng mas malinaw na pathways para sa utilization ng mga innovations ng SLSU at sa paglikha ng sustainable enterprises.
___________________
๐๐ข๐ฏ๐ถ๐ญ๐ข๐ต ๐ข๐ต ๐๐ข๐จ๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฑ๐ข๐ต ๐ฏ๐ช: G. Giehway R. Liwanag
๐๐จ๐ข ๐๐ข๐ณ๐ข๐ธ๐ข๐ฏ: G. Jesrel Paul C. Ausa