02/10/2026
mas mahal ang multi-color silkscreen kaysa DTF, lalo na kapag kaunti lang ang quantity. Dahil ito sa proseso:
Bawat kulay = hiwalay na screen. Halimbawa 5 colors, kailangan ng 5 screens.
Mas matagal ang setup — screen preparation, exposure, registration/alignment at mixing ng inks.
Mas maraming labor dahil bawat kulay ay kailangang i-print nang magkahiwalay.
May curing/drying bawat layer at kailangang tama ang alignment para hindi mag-overlap o lumabo.
May setup cost kahit isang shirt lang ang ipapagawa.
Samantala, sa DTF, gagawa lang ng digital design, i-print sa film, lagyan ng powder, cure, at heat-press sa shirt. Kaya mas practical ito sa small quantity at maraming kulay.
Halimbawa
Kung 10 shirts lang:
1-color silkscreen: very economical
5-color silkscreen: tataas ang setup + labor
5-color DTF: halos pareho lang ang printing process kahit maraming kulay
Pero kapag 100–500+ pcs na pare-pareho ang design, puwedeng bumaba nang malaki ang cost per shirt ng silkscreen at maging mas mura ito kaysa DTF.